Hindi ka naman Mawawala, 'di ga?

5.1K 114 7
                                    

adi– eh 'di

ambo – puro

bahin– bakit

dilat – malaki ang mata

ga – ba

hawag – huwag

kakulangan – kalokohan

laang – lang

nakakaiyamot – nakakainis

napar-on – nagpunta

yanga – talaga

"Ay bahin ga ambo ka na namang kakulangan kanina?" paninirol ko kay Pinky habang kumakain kami sa canteen.

"Ay ano ga na naman iyon?" pagmamaang-maangan nito.

"Adi sa speech kanina, saan pa ga?" pagmamaktol ko.

"Adi nga ga't highest?" pagmamalaki niya.

"Pati si Jolina. . ." nakasimangot kong reklamo.

"Ay talaga namang Jolens forever ka, 'di ga?" walang tigil niyang pang-aasar.

"Hindi na nga", mariin kong tanggi.

"Ay talaga nga kaya?" muli nitong pang-aasar.

"Oo nga!"

"Talaga?"

"Talagang talagang talaga!" mariin kong sagot sabay talikod.

"Hawag ka na ga namang magtampo eh", lambing niya.

"Nakakaiyamot ka", pagmamaktol ko.

"Pero hindi nga? Talaga nga gang naka-move on ka na?" wala pa rin tigil na pang-aasar ni Pinky.

"M2M na nga ang mahal ko. Sila ng dalawa ang girlfriends ko."

"Akala ko ga'y si Zyra?" nakangiti niyang panunukso.

"Crush ko laang iyon", sagot ko.

"Yanga?" tanong niya.

"Oo nga", matipid kong sagot.

"Ay ako?" tanong ni Pinky.

"Anong ikaw?" balik tanong ko.

"A-ako? A-ano mo ako?" pag-aalinlangan nito.

"Wala", maikli kong sagot sabay subo ng spaghetti.

"Dali na ga eh", pamimilit niya.

"Wala nga", pagsusungit ko.

"Ay paano kapag nawala ako?" out of nowhere na tanong ni Pinky.

"Adi pupuntahan kita sa Lost and Found", pang-aasar ko.

"Ay paano kapag napar-on ka tapos hindi mo ako nakita?"

"Adi ididilat ko ang aking mga mata."

"Ay dilat ka na eh", sakay niya sa pang-aasar ko.

"Adi mas ididilat ko pa", lalo kong pinalaki ang aking mga mata na mas ikinatuwa niya.

"Hindi nga?" biglang sumeryoso ang kanyang mukha. "Paano kung dilat na dilat ka na pero hindi mo pa rin ako makita?" dugtong niya.

"Adi. . .um. . .ay bahin ga pala iyan ang topic?" nawiwirduhan kong tanong.

"Wala laang", sagot niya.

"Ay wala laang pala eh."

"Sagutin mo na ga laang eh. Mami-miss mo ga ako?" tanong niya.

"Um. . .pag-iisipan ko", pang-aasar ko. "Hindi ka naman mawawala, 'di ga?"

Tanging isang matamis lamang na ngiti ang kanyang isinagot.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon