Health Corner Tayo?

536 12 2
                                    

adi – eh 'di

bahin – bakit

ga – ba

ginanto-ganto – ganito ang ginawa ko

"Sinusukat ko kung magkasing-laki kami ng boobs ni Marie", pag-amin ni Pinky.

"What?" Hindi ko alam kung matatawa ba ako? Mawiwirduhan? Maaalibadbaran? Magugulantang? Mawiwindang? I swear, hindi ko talaga alam! Ang kinalabasan? N.R.

"Thank you", nakangiti nitong sambit.

. . .

Nahalata niya sigurong hindi ko alam kung ano'ng ire-react ko.

"For keeping me your promise", dugtong nito.

Gusto ko siyang asarin ng "Huwaw! English!" pero hindi pa yata hundred and one percent napa-process ng utak ko ang sinabi niyang ginawa niya sa Health Corner nang mag-walkout siya.

"Salamat dahil hindi ka tumawa", pagmo-monologue niya.

. . .

Ang dami kong gustong sabihin, ang dami kong gustong tanungin pero ang tanging nasambit ko lang ay, "Bakit?"

"Anong bakit?" tanong niya na parang hindi big deal ang ginawa niya.

"Bakit mo sinusukat? Paanong. . .ano 'yon? Meron kang measuring cup?" sunud-sunod kong tanong nang bigla akong matigilan ng maisip kong. . ."Oh, my God! Don't tell me. . .kasama mo sa Health Corner si Marie?"

"Yuck!" masuka-suka nitong sagot.

"Ay paano mo. . ."

Adi ginanto-ganto ko", paliwanag ni Pinky habang hinihimas ang dalawa niyang alaga sa dibdib.

"You're sick." Wala akong ibang nagawa kundi ang umiling ng umiling ng umiling ng umiling. Repeat ten times.

"Ay sa arte naman nito", reklamo niya. "Bahin ga diring-diri ka para ay nakadamit naman ako?" dugtong ni Pinky na hindi pa rin tumitigil sa paglalaro ng kanyang dalawang alaga.

"Parang awa mo na, tumigil ka na", pigil ko sabay kuha ng dalawang kamay sa dibdib niya.

"Hindi nga? Magkasing-laki ga?" pangungulit niya.

"Titigil ka o magwo-walkout ako?" pananakot ko.

"Tapos pupunta ka rin sa Health Corner?" pang-aasar nito.

"Hay. . ." aktong tatalikod na ako nang bigla niya akong pinigilan.

"Ano? Health Corner tayo?" walang tigil nitong pang-aasar.

"Seryosong usapan, ano ang nangyayari sa 'yo?" nag-aalala kong tanong.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon