Dead on Arrival

702 11 0
                                    

Toot! Toot!

"I knew it! Hindi lilipas ang isang araw na hindi ka magti-text", pagmo-monologue ko habang binubuksan ang mensahe. Hindi si Pinky pero about Pinky.

"Patay na si Pinky", a text message from Rommel. Okay? So, hindi siya nag-text maghapon tapos kukuntsabahin pa niya ang tropa niya para mag-deliver ng joke na hindi nakakatawa.

I didn't reply.

Toot! Toot!

Hay! Another text message pero hindi ko agad binuksan. I know it's from Pinky. Siya naman ngayon ang magso-sorry.

Toot! Toot!

Toot! Toot!

Toot! Toot!

"Sige lang, i-flood mo ako."

Toot! Toot!

"Oo na, heto na, magre-reply na", pagmo-monologue ko. Wait! Text messages from random friends. Wala pa ring text from Pinky? Tss!

Ang una kong binuksan ay ang message ni Yna, pinsan ko. "Alam mo na ga ang nangyari kay Pinky?" Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Ano ba 'to? Bakit ba pina-prank n'yo 'ko? Ano? Lalabas na ba sa kung saan si Joey de Leon at sasabihing na-Wow Mali ako? Ano? Tatawa na ba 'ko? Alam kong pakana ni Pinky lahat 'to. Kinausap ni Pinky si Rommel tapos pinag-GM ni Pinky si Rommel tapos lahat ng iti-text ni Rommel maniniwala sa kalokohan ni Pinky. Tsk! Tsk! Not funny!

Hindi ko pa nabubuksan lahat ng messages ng biglang nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Annie, barkada namin ni Pinky. Hindi ko alam kung sasagutin ko. Naiinis ako. . .or should I say. . .natatakot ako. Paano kung totoo? Pero hindi, prank lang 'to. For sure, magkakasama sila. For sure, nagtatawanan sila. Naku! Sige, magsama-sama kayo! Bahala kayo sa buhay n'yo!

"Epey, si Pinky", sabi ni Annie na umiiyak sa kabilang linya.

. . .

"Wala na siya."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Inaantay kong dugtungan niya ng, "Joke laang." O kaya'y agawin ni Pinky ang phone kay Annie at sabihing, "Biro laang, Nanang Apiang." Pero wala siyang sinabi. Wala rin akong narinig na Pinky.

"Nasagasaan siya sa C5."

"C5", wala sa sarili kong ulit sa huling salitang sinabi niya.

"Dead on arrival siya."

"C5", ulit ko habang nag-uunahang pumatak sa magkabilang mata ang luha ko.

"Patay na si Pinky", sabi ni Annie na ngayon ay humahagulgol na sa kabilang linya.

"Pinky. . .hindi. . .buhay si Pinky", mariin kong tanggi. "Nasaan kayo? Pupunta ako. Pag-uuntugin ko kayo", kunwari ay natatawa kong pagbabanta pero ayaw tumigil sa pagpatak ng aking luha.

"Epey. . ."

"Pakausap kay Pinky, please, Annie."

"Epey", humahagulgol na tawag ni Annie sa pangalan ko.

"Annie, please, pakausap ako."

"Nandito kami ngayon sa ospital. Ayokong makita mo siya sa ganitong kalagayan, promise, hindi mo magugustuhan. Iti-text kita agad kung saan ang lamay."

"Annie, please. . ."

"Bye."

At tuluyan na ngang nawala ang kausap ko sa kabilang linya. . .

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon