bahin – bakit
kagagaw-an – kagagawan
laang – lang
"Thank you dahil binigyan mo sila. . ."kami" ng chance na makapag-perform", nakangiting simula ni Marie. "Tagapalakpak laang kami taon-taon. . ."
"Ng tatlong taon", paglilinaw ko. "Sa inyo itong huling taon", nakangiti kong dugtong.
"Mabait ka pala?" medyo natatawa nitong pang-aasar. Akala ko. . ."namin" noong una, salbahe ka."
"Grabe ah! Salbahe talaga?" reklamo ko.
"Hindi namin. . .actually "ko" akalain na may care ka pala sa amin. . ." sabi ni Marie na parang hindi narinig ang sinabi ko. "Akalain mong may pakialam pala sa ibang tao si Epey Herher?"
"Uy, grabe ah! Below the belt ka na ah!"
"Ay wala naman talaga sa aming napansin eh", sabi niya habang nagpapakawala ng napakalalim na buntong-hininga. "Mga patay na bata kami eh", malungkot nitong dugtong.
"Patay na bata ka diyan. Ano kayo zombie?" hindi ko pag-sang-ayon sa sinabi ni Marie.
"At least bago kami grumaduate, nagka-production number kami", ang kanila lang na lungkot ay napalitan ng galak, ramdam na ramdam ko ang saya sa boses niya habang nagsasalita siya. "Thank you, Epey ah", dugtong niya. "Of all people, ikaw pa!"
Of. All. People. Hindi ko alam kung ano ang magiging interpretation ko nang sabihin ni Marie 'yon. Of all people. Hmm. . . Ayon kay Mr. Google, ang definition daw ng "of all people" ay –used to emphasize that a specified person is the person one most or least expect to do or know something. Ako ba 'yong most or least? Hmm. . .what do you think?
"Thank you, Epey", ulit niya.
"No", tanggi ko. "Dapat thank you, Pinky. . ." pagtatama ko.
"Bahin si Pinky?" tanong niya.
"Dahil siya lahat ang may kagagaw-an nito", sagot ko.
"Thank you, Epey pa rin", nakangiti nitong tanggi.
"Ay sinabi ng thank you, Pinky eh."
"Epey sabi eh", mariin nitong sabi.
"No! Pinky", sambit ko habang sinasabayan ang kaka-play lang na tugtog na sasayawin namin sa Feast Day.
"Epey", sumasayaw na ring sagot ni Marie.
"Pinky", sagot ko na sumasayaw pa rin.
"Epey. . ."
"Pinky. . ."
"Epeyyy. . ."
"Pinkyyy. . ."
Paulit-ulit naming pagtatalo habang nire-rehearse ang magiging dance number sa Feast Day.
"Alam mo. . .hindi ito gagawin ni Pinky kung hindi para sa 'yo", sumasayaw pa ring sabi ni Marie.
Napatigil ako. Una, dahil maaaring tama siya. Ano nga ba ang hindi gagawin ni Pinky para sa 'kin? That's Pinky! Haler? She can do anything. She can do everything. She's an angel! She's my angel! Kahit isang pabor ko, wala pa siyang tinatanggihan. Hay! Kapag ako ang nagsabi, biglang nawawala sa bokabularyo niya ang salitang "no". Kapag ako ang nagsabi, biglang nawawala sa bokabularyo niya ang salitang "ayoko". Pangalawa, namatay ang tugtog. Napatingin ang lahat ng biglang may nagdabog.
"Ang usapan, mag-practice ng sayaw. Hindi maglandian", sabi ni Pinky sabay walkout.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceMarami ang nagtatanong. . . "Sino ba si Pinky?" "Kaanu-ano mo si Pinky?" "Ano ang ikinamatay ni Pinky?" "Bakit wala kang ibang bukambibig kundi Pinky?" Well, let me tell you our story. . . https://www.youtube.com/watch?v=uzwbhkq75J0&feature=youtu.be...