adi – eh 'di
ahin – akin
ga – ba
gagaw-in – gagawin
ikako – sabi ko
kasabi-sabi – sabi
laang – lang
mandumaming – sobrang dami
ngay-on – ngayon
"Natanggap mo ga rin ang text ni Pinky noong isang araw?" malungkot na malungkot na tanong ni Rhian kinabukasan.
"Ay ano gang text ay hindi nga sa akin nagre-reply?"
Inabot sa 'kin ni Rhian ang phone niya. "Kita-kita tayo sa Friday. Dapat kumpleto tayo ah."
GM. Si Pinky ang sender. Okay. So, hindi siya sa 'kin nag-text. Ako pa naman ang naturingang best friend.
Today is October 16, 2009, Friday. Nagkita-kita nga kami ngayong Friday. At kumpleto nga kami ngayong Friday. Kaya lang ang host ng party is so unfair. . .nandito na lahat ng bisita. . .pero siya tulog na tulog pa rin. Huy, Pinky Labs! Gising!
"Alam mo ga, Ate Epey, parang may premonition na ang Ate. . ." simula ni Amaya, nakababatang kapatid ni Pinky. "Sinamahan niya ako sa school noong isang buwan pero may hindi pa kami nakukuhang requirements kaya pinababalik kami ngay-ong katapusan. Akala mo ga'y ang kasabi-sabi sa ahin ay hindi niya na raw ako masasamahan. Ay wala naman sa ahing nasama sa school kundi siya, magpasama na laang daw ako sa iba. Ay ang ipinagtataka ko, na-absent pa iyon sa trabaho, masamahan laang ako."
"Kaya pala hindi ka na masasamahan", basag ang boses na sabi ni Rhian.
"At saka noong isang linggo, nagpasama siya sa Divisoria", malungkot na pagbabalik-tanaw ni Amaya. "Ay walang ibang binili kundi panyo. Ano ga ikako ang gagaw-in namin sa mandumaming panyo?"
"Ay ano ang sagot sa 'yo?" tanong ko.
"Ay basta daw gagamitin namin. Damihan daw namin ang bili at baka kulangin."
"Daming pambili ng panyo ah", pang-aasar na baling ko kay Pinky na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin.
"At saka pala bago ang araw na siya'y masagasaan. . ." biglang naalalang dugtong ni Amaya. "Nagrereklamo siya dahil hindi raw pantay ang kanyang paa, mas mahaba raw ang isa, adi ga't masama raw iyon? Tapos 'pag namatay daw siya, gusto niya pink ang kabaong."
"Ay baka nagrereklamo dahil hindi magkaamoy ang kanyang paa, mas mabaho ang isa." Sa halip na tumawa sa joke ko, nag-iyakan kami. Kung buhay lang si Pinky, may sagot siya agad sa pang-aasar ko. Kung buhay lang si Pinky, hindi siya magpapatalo. Kung buhay lang si Pinky, mas malala ang panlalait na matatanggap ko. Kung buhay lang si Pinky. . .kung buhay lang sana si Pinky.
Hindi ko alam kung nagkataon lang o talagang alam niya na mawawala na siya. Sana nagkataon lang, sana hindi niya talaga alam. . .wala lang. . .ang unfair lang. . .lalo na sa 'kin. Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa rin sa 'kin nagsi-sink in. Tatlong araw na akong umiiyak ng sunud-sunod hanggang sa makatulog. Tatlong araw ko ng nararamdaman ang mainit niyang yakap habang ako'y nakatalikod. . .pero hindi ako natatakot. . .ang tanging nararamdaman ko ay lungkot. . .matinding lungkot. Tatlong araw na walang humpay ko na siyang pinapanood. Tatlong araw na sa tuwing pipikit ako, nakikita ko ang mukha niya, nakangiti, masaya, tumatawa. Pinky, gumising ka na! Samahan natin sa school si Amaya! Pumunta ka sa birthday ko, imbitado ka na! Pantayin natin ang iyong paa! Dagdagan natin ang bili ng panyo dahil iiyak ako sa sobrang saya kapag nabuhay ka. . .kaya, Pinky, please. . .parang awa mo na! Gumising ka na! Miss na miss na kita na miss na miss na miss na miss na miss na kita.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceMarami ang nagtatanong. . . "Sino ba si Pinky?" "Kaanu-ano mo si Pinky?" "Ano ang ikinamatay ni Pinky?" "Bakit wala kang ibang bukambibig kundi Pinky?" Well, let me tell you our story. . . https://www.youtube.com/watch?v=uzwbhkq75J0&feature=youtu.be...