The Good News

4.2K 105 6
                                    

adi – eh 'di

ambo – puro

bahin – bakit

ga – ba

hala – sige

hawag – huwag

kakulangan – kalokohan

laang – lang

magpahanga – magpasikat

mual – galit na galit

nataya – tumataya

"Apiang, may good news ako sa 'yo", masayang balita ni Pinky isang araw.

"Ano 'yon?" naku-curious kong tanong.

"Hulaan mo!" pambibitin nito.

"Um. . .tumama tayo sa lotto?" sakay ko sa trip niya.

"Ay paano ga tayo mananalo'y hindi naman tayo nataya?"

"First time mong mag-toothbrush?" pang-aasar ko.

"Ambo ka na namang kakulangan. Madilaw laang talaga ang ngipin ko pero lagi akong nagsisipilyo, ano?" pagtatanggol nito sa sarili.

"Ay bahin ga mual ka na naman diyan?" walang tigil kong pang-aasar.

"Alam ko na lahat ng favorites ni Zyra", putol niya sa pambu-bully ko.

"Favorite color, blue. . .

Favorite subject, Mathematics. . .

Favorite book, Harry Potter. . .

Favorite TV Station, GMA-7. . .

Favorite Disney Princess, Ariel. . .

Favorite song, Superman. . .

Favorite singer. . ."

"Okay na", putol ko sa sinasabi niya. "Alam ko na lahat ng favorites mo, okay na ako doon", sabi ko sabay sara ng librong binabasa ko. I wasn't paying attention sa mga sinasabi ni Pinky kanina.

"Hindi mo na crush si Zyra?" nagniningning ang mga matang tanong ni Pinky.

"Hindi na", nakangiti kong sagot. "Hinding-hindi na."

"Bakit hindi na?" tanong niya. "Bakit hinding-hindi na?" ulit nito.

"Kaya ako'y sumali sa singing contest ay para magpahanga sa kanya. . .pero na-appreciate ga niya? Adi ga't hindi? Pinagtawanan pa nga ako eh", matipid ang ngiti kong sagot.

"Ay paano'y mali naman ang dahilan mo ng pagsali", sabi niya. "Dapat sumali ka dahil gusto mong i-share ang God-given-talent mo. . .sumali ka dahil gusto mong magpasaya ng mga tao", pangaral niya.

"Adi hala", sabi ko.

"Saka hawag mong ilagay laang sa ulo ang mga kinakanta, sinasabi, o ginagawa mo, dapat isapuso mo", dugtong niya.

"Opo", sang-ayon ko sa lahat ng sinasabi ni Pinky.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon