Ang Dalawang Taong Magsasabi sa 'Yo ng Totoo

5.2K 113 15
                                    

adi – eh 'di

ahin – akin

bahin – bakit

bulaan – sinungaling

ga – ba

hala – sige

hawag – huwag

hay – ayoko nga

kinukulang – niloloko

laang – lang

"Favorite cartoon character na nga laang", suggestion ko.

"Hello Kitty", sabi ni Pinky.

"Ahin, Snoopy", sagot ko.

"Aso't pusa pala, ano? Kaya pala bagay tayo", nakangiti niyang komento. "Favorite singer naman."

"Gusto ko M2M."

"Si Avril Lavigne naman ang ahin", sagot niya sabay kanta ng, "Why do you have to go and make thing so complicated?"♫

"Aba ay malaki magagastos", natatawa kong reklamo. "Wala sa tono."

"Ay bahin ang sabi ng ahing Ina maganda raw akong kumanta?" pagtatanggol niya sa sarili.

"Kinukulang ka laang noon", pagsasabi ko ng totoo. "Ay baka 'pag narinig mo ang boses ko'y humanga ka?" pagyayabang ko.

"Hala kaya", hamon niya.

"Hay! Baka maglaway ka pa", tanggi ko.

"Bulaan", hindi naniniwalang tugon ni Pinky.

"Adi hawag kang maniwala. Kaya nga madaming nagkakagusto sa ahin eh. Mayaman kami, maganda akong babae, maganda boses ko, sikat ako. . .ano pa ga hahanapin ni Zyra sa isang tao?" pagyayabang ko.

"Mayaman? Hindi ikaw. . .ang iyong Mama", simula ni Pinky. "Maganda? Ang tunay na kagandahan, hindi nakikita ng mga mata", sabi niya habang minamasdan ang mukha ko. Maganda ang boses? Ay aayaw mo namang iparinig. Sikat? Ang tunay na sikat, kilala ng lahat. . .kahit ng sanggol na bagong panganak", matalinhaga niyang dugtong. "Ano pa ang hahanapin ni Zyra sa isang tao? Ay ano ga sa tingin mo?" makahulugan nitong tanong.

"Ay ang sabi mo'y best friend kita. . ." nakasimangot kong reklamo.

"Kaya nga", nakangiti niyang sagot. "Ay bahin ga?" tanong niya.

"Ay bahin ga parang dina-down mo ako?" tila nagtatampo kong tanong.

"Hindi kita dina-down. Sinasabi ko laang ang totoo", nakangiti niyang paliwanag. Tandaan mo, dalawang tao lamang ang magsasabi sa iyo ng katotohanan", dugtong niya.

"Sino? Sina B1 at B2?" biro ko.

"Sabi ko tao, hindi saging", natatawang sagot ni Pinky. Una, ang taong galit na galit sa 'yo. Pangalawa, ang taong sobrang nagmamahal sa 'yo."

"Ay alin ka doon?" tanong ko. "'Yong una, ano?"

"'Yong pangalawa", sagot niya.

"Mahal mo ako?" tila nandidiri kong tanong.

"Sobra", walang pandidiri niyang sagot.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon