ahin – akin
apay – parang
ga – ba
kinukulang – niloloko
laang – lang
malaan-laan – malaman
ngay-on – ngayon
simul-an – simulan
SMS – Stella Maris School
"Sino iboboto mong Secretary?" tanong ni Pinky sa estudyanteng babae na aktong sasakay sa jeep na service nila.
"Si Mart", sagot nito.
"Wrong answer. Mula ngay-on, simul-an mo ng turuan ang sarili mong maglakad mula SMS hanggang Tagbac", tila gangster na sabi ni Pinky.
"Sino iboboto mong Secretary?" muli nitong tanong sa sumunod na estudyanteng sumakay sa service nila.
"Si Epey po", nakangiti nitong sagot.
"Very good!" puri ni Pinky. "Sakay", nakangiti nitong dugtong.
"Siguraduhin laang ninyong si April Mariz Herher talaga ang iboboto ninyong secretary. Malaan-laan ko laang na kinukulang ninyo ako, humanda kayo sa ahin", pagbabanta ni Pinky sa lahat ng estudyanteng nasa loob ng school service nila.
"Opo", tila robot na sagot ng mga estudyante.
"Andar na", maangas nitong baling sa driver.
"Aba ay papasukin mo muna si Gladys", sagot ng driver. "At nang makaandar na", dugtong nito.
"Magpapahatid iyan kay Mart", tuloy ni Pinky sa estudyanteng iboboto nito.
"Kay Epey na rin pala ako", bawi ni Gladys sa sinabi niya kanina.
"Baka ika'y napipilitan laang?" nakataas ang kilay na tanong ng Pinky. "At kapag kinakausap mo ang kahit na sinong mas nakatatanda sa iyo, mag-po at opo ka", dagdag nitong pangaral. "At utang na loob, bawas-bawasan mo ga make-up mo eh, apay lagi Happy Foundation Day ang mukha mo", pang-aasar ni Pinky.
Tawanan. Isang maugong na tawanan ng mga estudyanteng nasa school service nila.
"Opo", nakanguso nitong sagot.
"At para sabihin ko sa 'yo, totoong ngiti ang nagpapaganda sa isang tao, hindi ngiting-aso, at lalong hindi make-up. . .nagkakaintindihan ga tayo?" nakapamewang na tanong ni Pinky. "Mukha kang Shih Tzu", dagdag na bulong nito.
At isa na namang maugong na tawanan.
"Opo."
"'Yan! Ganyan! Oh, sakay na!" nakangiti nitong sagot sabay tanggal ng nakaharang niyang kamay sa daanan. "April Mariz Herher for Secretary ah", muli itong paalala sa mga kasamahan niyang estudyante sabay tingin nito kay Gladys habang tinuturo ng dalawang daliri ni Pinky ang mga mgata niya sabay lipat ng mga ito kay Gladys. She's making a sign na ang ibig sabihin ay, "I'm watching you."
BINABASA MO ANG
My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey Herher
RomansMarami ang nagtatanong. . . "Sino ba si Pinky?" "Kaanu-ano mo si Pinky?" "Ano ang ikinamatay ni Pinky?" "Bakit wala kang ibang bukambibig kundi Pinky?" Well, let me tell you our story. . . https://www.youtube.com/watch?v=uzwbhkq75J0&feature=youtu.be...