Pinky's Three Wishes

4.9K 118 13
                                    

aayaw ko – ayoko

adi – eh 'di

ahin – akin

bahin – bakit

ga – ba

gan-on – gano'n

hawag – huwag

laang – lang

nagkabihira – pangit ang kinalabasan

"Anong ginagawa mo dito?" naluluha kong tanong. Sinundan pala ako ni Pinky. Pinky here! Pinky there! Pinky everywhere! She didn't say a single word. Isang matipid lang na ngiti ang kanyang tanging naging sagot.

"Alam mo ga kung bahin ka matatalo?" tanong niya.

"Oo. . .dahil nakalimutan ko ang lyrics", sagot ko.

"Hindi. . .dahil nakalimutan mong magpakumbaba."

When she said that, boom! Nakalimutan ko na nag-aaral nga pala 'ko sa catholic school. . .Lagi kaming may hawak na bible. . .and it's written there na "Ang nagpapakababa ay itinataas. Ang nagpapakataas ay ibinababa."

"Alam mo gang dati ko pa alam na magaling kang kumanta? Alam mo naman ang tsismis. . .magaling daw kumanta ang anak ni Ilda", tukoy niya sa aking Mama. "Pero kanina ko laang talaga napakinggan at kanina ko din laang napatunayan na totoo pala", nakangiti niyang pag-amin.

"Tapos gan-on pa. Nagkabihira pa", basag ang boses kong sagot.

"Magaling ka", pampalubag-loob na sabi ni Pinky.

"Magaling ga 'yong pinagtatawanan ng mga tao?" paghahamak ko sa aking sarili. "Ang magaling, pinapalakpakan, hindi pinagtatawanan", dugtong ko.

"Maniwala ka ga naman sa ahin eh", reklamo nito. "Magaling ka", ulit niya. "Adi ga't dalawang tao nga laang ang magsasabi sa 'yo ng totoo?" pagpapaalala niya.

"Oo. . .alam ko. . .at ikaw ang pangalawa", isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko kay Pinky, mahigpit na mahigpit na mahigpit.

"Dapat pala'y lagi kang napapahiya para ako'y nayayakap mo, ano?" pang-aasar nito.

"Hindi na ako kakanta", desidido kong pasya. "Aayaw ko na", dugtong ko.

"Ano ka ga naman? Aba'y hawag", pagpapalakas niya ng aking loob.

"Bahin? Gusto mo ga mapahiya na naman ako?" tanong ko.

"Dahil nakikita kong masaya ka sa ginagawa mo. . .dahil nakikita kong mahal mo ang ginagawa mo", nakangiting paliwanag ni Pinky. "'Yon nga laang, natatabunan ng yabang. . .kaya hindi masyadong maganda ang kinalalabasan."

Katahimikan. Isang napakahabang katahimikan.

"Adi ga't sabi mo'y wala kang gustong mangyari sa buhay mo?" biglang sumeryoso ang mukhang tanong ni Pinky. "Ang ahin, tatlo", dugtong niya. "Tatlong bagay laang ang gusto kong magkaroon ng katuparan. Una, magkaroon ng sariling bahay ang ahing Ama't Ina. Pangalawa, makapagtapos ng pag-aaral ang ahing mga kapatid. At pangatlo, maging sikat na singer ang best friend ko."

"Kasama ako sa pangarap mo?" gulat na gulat kong tanong.

"Oo naman", nakangiti niyang sagot.

"Wala kang pangarap para sa sarili mo?"

"Alam mo, bago ang sarili. . .dapat iyong mga taong mahalaga muna sa 'yo. Adi nga ga't ang turo sa atin eh, "To God, the glory; to my neighbors, the benefit; to myself, the burden?"

I was like, "Wow!" Meron pala talagang taong busilak ang kalooban.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon