bulaan – sinungaling
ga – ba
hawag – huwag
kagab-i – kagabi
nagyayapusan – nagyayakapan
piho – sigurado
Pagkagising ko kinabukasan, wala na si Pinky. It's Saturday! Thank God! Sa Monday ko na siya ulit makikita. Sa totoo lang, hindi pa talaga ako handang makaharap siya.
"Lalim para ng iniisip natin ah", pang-aasar ng aking Mama. "Nami-miss mo na ga agad si Pinky?" nakangiti nitong dugtong.
"Ay piho namang hindi", tanggi ko.
"Ha, Mama. . .nakita ko si Avril at si Pinky kagab-i, nagyayapusan", pagsusumbong ni James, ang nakababata kong kapatid.
"Oy, hawag kang bulaan! Liars go to hell", paalala ko sa kapatid kong sumbungero.
"Ay talaga namang nakita ko eh, nagkikidlatan pa nga noon at nagkukulugan", he recalled.
"Liar!" mariin kong tanggi.
"I saw what I saw", sagot ni James sabay karipas ng takbo nang akmang hahabulin ko siya ng kutos.
"Kapag nahuli kita, maghahalo ang balat sa tinalupan", pagbabanta ko.
Hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Nagtago na siguro sa lungga niya. Hay! Bakit ba may mga taong sumbungero? At ang Mama ko naman? Walang sinabing kahit na ano. . .ngumiti lang. . .'yong tipo ng ngiting may laman. Eh 'di huwaw!
Dalawang araw ang mabilis na lumipas. Kung puwede lang sanang pigilan ang oras. Hindi ko alam kung anong ire-react ko kapag nakita ko si Pinky. Paano ba? Hay, wala talaga akong idea. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako? Magsusungit ba ako? Hihiga? Gagapang? Ta-tumbling? Tatakbo? Yuhuhuhuhuhu. Ano'ng gagawin ko?
It was six-thirty in the morning. I was combing my hair nang bigla akong mapatingin sa hardin ng aking Nana. Parang may nakita ako pero hindi ko sigurado kung ano o sino. Phew! Dala lang siguro 'to ng sobrang kaba. Hay! Maya-maya lang papasok na ako sa school at makikita ko na siya. Huhuhu, pa'no ba?
After kong dumaan sa simbahan para magpasalamat at humingi na rin ng lakas loob kay God the Father, dumiretso ako ng school campus. I was like, "Oh, my God! Oh, my God! Hindi pa ako handa sa aming paghaharap."
"Aaayyyiiieee!" panunukso ni Rhian.
"Eh?" kunot-noo kong tanong.
"Ikaw ah! May pa-pink rose pink rose ka pang nalalaman ah", tila kinikilig nitong sagot.
"Pink rose?"
"Hay naku, Apiang! Maang-maangan?"
"Ay ano ga pinagsasasabi mo diyan?" naguguluhan kong tanong.
"Si Pinky may dalang pink rose, bigay mo raw", kilig na kilig pa ring sabi ni Rhian.
Hmm. . .so, hindi pala ako namamalik-mata kanina. Si Pinky pala ang nakita ko sa hardin ng aking Nana. But the big question is. . ."Why did she do that?" Bakit kailangan niyang palabasin na may bigayan ng rose na nagaganap? Huway did shi du dat? Hmm. . .
BINABASA MO ANG
My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceMarami ang nagtatanong. . . "Sino ba si Pinky?" "Kaanu-ano mo si Pinky?" "Ano ang ikinamatay ni Pinky?" "Bakit wala kang ibang bukambibig kundi Pinky?" Well, let me tell you our story. . . https://www.youtube.com/watch?v=uzwbhkq75J0&feature=youtu.be...