Heart-Shaped Sandwich

5.2K 117 9
                                    

ahin – akin

bahin – bakit

ga – ba

hawag – huwag

kalay pa 'yon eh – wala 'yon

laang – lang

pamihado – sigurado

yanga – talaga

After ng flag retreat, nilapitan ako ng crush ko. "Hi, Epey. . .thank you sa sandwich ah", nakangiting sabi ni Zyra. "Masarap. . .at sobrang cute, heart-shaped", dagdag niya.

"Sandwich?" kunot-noo kong tanong.

"Oo, 'yong inabot sa 'kin ni Pinky. Pinabibigay mo raw", nakangiti nitong sagot.

"Ah. . .wala 'yon", tugon ko.

"Ano gang wala 'yon? Ay ikaw pa raw ang gumawa noon", sagot niya.

"Kalay pa 'yon eh", tila nagba-blush kong sagot.

I'm on my way home nang makasalubong ko si Pinky sa corridor. Himala! Hindi niya ako nilapitan.

"Pinky. . ." tawag ko sa kanyang pangalan nang lampasan niya ako. Hindi ako lumingon pero alam kong tumigil siya. Magkatalikuran kaming dalawa.

"Thank you", sabi ko.

Katahimikan. Isang mahabang katahimikan.

"Best friends na ga ulit tayo?" tanong niya.

"Oo, best friends na ulit tayo", sagot ko.

Pagharap ko kay Pinky, isang napakainit na yakap ang isinalubong niya.

"At dahil mag-best friend na ulit tayo, ilalakad mo ako kay Zyra", pagde-demand ko sa kanya. Alamin mo ang favorite color niya, favorite food, favorite cartoon character, favorite singer, favorite pet, favorite city, favorite country, favorite day of the week, favorite drink, favorite holiday, favorite book, favorite movie, favorite song, favorite pastime, favorite radio station, favorite sport, favorite television program, favorite subject in school, favorite word in English, favorite actor, favorite actress, favorite athlete, favorite author, favorite composer, favorite superhero. . ."

"Ay ano ga namang dami?" reklamo ni Pinky. "Ang itatanong ko na laang ay kung may gusto rin siya sa iyo."

"Hawag!" tanggi ko.

"Bahin?"

"Baka masaktan laang ang ahing damdamin."

"Pamihadong gusto ka rin noon."

"Yanga?" tanong ko.

"Yanga!" sagot niya. "Kahit naman sino, magkakagusto sa iyo", nakangiti niyang dugtong.

"Kahit ikaw?" tanong ko.

"Kahit ako", sagot niya.

Hashtag! Ilang! Much! [#ilangmuch]

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon