Sorna Agad

602 12 0
                                    

bahin – bakit

ga – ba

hawag – huwag

sip-on – sipon

"Bahin? May pakialam ka ga?" sarcastic na tanong ni Pinky kung may care ba ako if ever na totoo ngang magpakamatay siya.

"Hindi ako pakialamera", pilosopo kong sagot.

"See?" mapakla niyang tugon.

"D? E? F? G?" walang tigil kong pang-aasar.

Isang matinding rolling eyes ang natanggap ko.

"H? I? J? K? L? M? N? O? Pinky?"

. . .

"Q? R? S? T?"

. . .

"U? V? W? X? Y? Z?"

At itinuloy na nga niya ang mala-pelikulang pagwo-walkout.

"Hindi ako pakialamera", ulit ko. "Pakialamero ako!" sigaw ko habang patuloy pa rin siya sa paglalakad. "At may pakialam ako sa 'yo", malakas kong dugtong na nagpahinto sa kanya.

"Aaayyyiiieee. . ." kantiyaw ng mga classmates namin na hindi bale ng ma-late sa pila, makapag-chismis lang.

"Pinky Labs, miss na kita. . .miss na miss na kita", nakatalikod siya pero alam kong nakangiti pati esophagus at larynx niya. Yohohohohoho!

"Ano?" muli kong tanong. Nasa likod na niya ako. "Sabi ko I miss y. . ."

Hindi ko pa nababanggit ang "ou", humarap na siya sa 'kin at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Miss na miss na miss na miss na miss na miss ko na ang Sweet Apiang ko", sambit niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Alam kong masama pa rin ang loob mo pero hawag mo namang ihilamos sa mukha ko ang sip-on mo", reklamo ko.

"Ay sa I miss you eh", lambing nito.

Pero biglang naging lion nang makita ang mga matang kanina pa nakatutok sa mala-James Reid and Kathryn Bernardo scene namin. Uyy, for sure magre-react ang mga solid JaDine at KathNiel fans, yohohohoho! Sorna agad! Heart! Heart!

"Hoy! Ano ang tinitingin-tingin ninyo?" baling ni Pinky sa mga tsismosa naming kaklase na sabay-sabay nagtakbuhan papuntang flag ceremony.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon