aayaw ko – ayoko
adi – eh 'di
ahin – akin
ambo – puro
ga – ba
gan-on – gano'n
laang – lang
mangkapapaw mo – sira ka talaga
"Favorite day of the week na nga laang, nagkakabolahan na eh", iwas ko.
"Monday", sagot ni Pinky.
"Ahin, Friday."
"Bakit Monday?" nawiwirduhan kong tanong. Siya lang yata ang may paborito sa araw na 'yon. Ewan ko ba dito kay Pinky, napaka-one in a million.
"Siyempre. . .kapag Lunes na, makikita na naman kita", nakangiti niyang paliwanag. "Ikaw? Bakit Friday?" tanong niya.
"Dahil kinabukasan, Sabado't Linggo na, adi hindi na kita makikita", pang-aasar ko.
"Mangkapapaw mo! Favorite superhero na nga laang", kunwari ay naiinis na sabi ni Pinky.
"Um, I love Superman. Gusto ko rin si Batman. . .saka si Iron-Man. . .si Spider-Man din. Basta lahat ng may MAN!" sagot ko.
"Mga suman, gulaman, gan-on?" pabiro niyang tanong.
"Oo", mapakla kong sagot. "Ay ikaw sino paborito mo?"
"Adi si Kapitan Pinoy", sagot niya. "Ambo kang foreigner na superhero eh. Ano ka ga? Love your own", sabi ni Pinky.
"Favorite word in English naman", sabi ko.
"Favorite word in English ko? You." tila kinikilig nitong sagot.
"You?" ulit ko sa sinabi niya.
"Oo, you. Favorite word in Tagalog naman, "ikaw."
"Favorite word ko in English, NOT YOU. Favorite ko in Tagalog, HINDI IKAW."
"Word nga eh", sabi niya. Hindi words. Word laang! Word!"
"Word o words, wala akong pakialam. Basta aayaw ko sa 'yo."
Pinipilit niyang tumawa pero kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Favorite color", pag-iiba niya.
♫ "Red, white, and blue. Stars over you. Mama said, Papa said, I love you", kanta ko.
"I love you, too", pakantang sagot ni Pinky.
"Yucky!" reklamo ko.
"Mga yucky!" reklamo rin niya.
"Ay talaga namang yucky eh! As in KA-DI-RI!" sabi ko.
"Hindi mo ako love?" tanong niya.
"Hindi", mariin kong sagot.
At itinuloy naming ang walang katapusang asaran I mean tanungan.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceMarami ang nagtatanong. . . "Sino ba si Pinky?" "Kaanu-ano mo si Pinky?" "Ano ang ikinamatay ni Pinky?" "Bakit wala kang ibang bukambibig kundi Pinky?" Well, let me tell you our story. . . https://www.youtube.com/watch?v=uzwbhkq75J0&feature=youtu.be...