adi – eh 'di
ay kung hindi naman sukat – ayoko nga
bahin – bakit
ga – ba
hala – sige
hawag – huwag
ikako – sabi ko
laang – lang
malaan – malaman
naito – nandito
panay – puro
"Saan ikako bahay nina Zyra eh?" pangungulit ko.
"Ay bahin ga panay ka Zyra?" naiintrigang tanong ni Pinky.
"Basta! Kilala mo ga pala iyon?"
"Oo", sang-ayon nito. "Kaklase ko iyon."
"Saan ga bahay nila?" nakangiti kong tanong.
"Ay magaling pa'y iangkas mo na laang ako sa motor mo, tapos sasamahan kita sa kanila", nakangiting suggestion ni Pinky.
What a bright idea! But, how 'bout no?
"Ay kung hindi naman sukat. Flat, maglakad ka na laang", tanggi ko.
Grade III pa lang, nagsu-scooter na ako at never pa ako nag-angkas ng hindi ko crush.
"Adi hala. Sanay naman akong maglakad eh. Gala kaya ako", nakangiting sabi ni Pinky.
Whoa! Seriously? Hindi man lang siya nagalit? Or nainis? Hello? Ako na nga 'tong humihingi ng pabor, ako pa 'tong madamot magpaangkas sa motor! Hindi ko alam kung mabait ngang tunay si Pinky o may pagkautu-uto lang talaga. Ano ba?
Phew! Siguro mga fifteen minutes na siyang naglalakad. Ang bagal-bagal ng takbo ng scooter ko dahil sinasabayan ko siya. Boring! Duh! 'Yong totoo? Naiinip nga ba talaga ako o nakokonsensiya na ako sa pinaggagagawa ko sa kanya? Hindi biro ang maglakad ng fifteen minutes, hello?
"Kaya pa ga?" tanong ko sa pawis na pawis na si Pinky.
"Mabait ka naman pala", nakangiti pero hinihingal niyang sagot. "Mana ka naman pala sa iyong Mama", dugtong niya.
"Utot mo! Nambola ka pa. Angkas na", nakangiti kong yaya.
"Ay kung kailan naman naito na tayo sa harap ng bahay nina Zyra", natatawa niyang reklamo.
"Zyraaa!" tawag niya.
"Anong ginagawa mo?" gulat na gulat kong tanong.
"Adi nagta-tao po."
"Hawag!" pigil ko.
"Ay ang sabi mo'y. . ."
Tinakpan ko ang bibig niya. "Gusto ko laang malaan kung saan ang bahay nila, iikutan ko laang tapos ako'y uuwi na", paliwanag ko.
"Biidhgiu oogroivdo wourvmpbhie kjhgnvoetomic oigeniumc oigngksoongor ngovie", sabi ni Pinky.
"Ano?"
"Hojbeonb mfow bojeojgj jgoijr."
Doink! Paano ko maiintindihan eh tinakpan ko nga pala ang bibig niya? Hingal na hingal si Pinky nang tanggalin ko ang kamay ko sa bibig niya.
"Papatayin mo ga ako?" hinihingal nitong tanong.
"Yuck! Eww! Gross! Ako ga ang papatayin mo?" diring-diri kong tanong. "Ay sa baho naman ng laway mo!" reklamo ko.
"Ay sino ga nagsabi sa 'yong amuyin mo?" natatawa niyang tanong.
"Ka! Di! Ri!" nakabusangot kong reklamo.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceMarami ang nagtatanong. . . "Sino ba si Pinky?" "Kaanu-ano mo si Pinky?" "Ano ang ikinamatay ni Pinky?" "Bakit wala kang ibang bukambibig kundi Pinky?" Well, let me tell you our story. . . https://www.youtube.com/watch?v=uzwbhkq75J0&feature=youtu.be...