Elephant Pants

4.4K 110 14
                                    

aayaw ko – ayoko

ahin – akin

bahin – bakit

ga – ba

hawag – huwag

hay-an – hayan

laang – lang

pagka – kapag

yanga – talaga

"Ay bahin ga parang pinagsakluban ka ng langit at lupa?"natatawang sita sa akin ni Pinky nang makita niyang nakabusangot ang mukha ko umagang-umaga.

"Ay tingnan mo naman itong suot ko", nakanguso kong sumbong.

"Kakanta kami mamaya nina Mart at Banban ng Never Had a Dream Come True para sa intermission tapos ganito ang suot ko", tukoy ko sa paldang ipinasuot ng aking Mama.

"Bagay naman ah", pang-aasar ni Pinky.

"Hindi ako kakanta pagka ito ang ahing suot", pagbabanta ko.

"Tara sa clinic", yaya sa 'kin ni Pinky.

"Bahin?"

"Basta."

Pagpasok namin sa clinic, hinubad ni Pinky ang kanyang pang-ibabang damit.

"Anong ginagawa mo?" naaalibadbaran kong tanong.

"Oh!" nakangiting sagot ni Pinky sabay abot sa akin ng kanyang elephant pants.

"Ano ito?" tanong ko.

"Hubarin mo na polka dots mong palda", pang-aasar nito. "Palit tayo."

"Yanga?" gulat na gulat kong tanong.

"Joke laang", sagot nito.

"Ay!" biglang lumungkot ang mukha ko.

"Joke laang na palit tayo. Aayaw ko magmukhang Nanang Apiang sa palda mong bilog-bilog", natatawa niyang pang-aasar. "Pero totoong ipapahiram ko sa 'yo itong elephant kong pantalon", nakangiti nitong dugtong.

"Manonood ka ng naka-panty laang?" nawiwirduhan kong tanong.

"Hindi na ako manonood. . .dito na laang ako sa clinic. Malapit laang naman ito sa stage. Lakasan mo na laang ang boses mo para marinig ko kanta mo", nakangiting sabi ni Pinky.

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya.

"You're the best friend I've ever had."

"Best friend laang talaga?" nakangiti niyang tanong pero mababanaag ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Hay-an na! Magsisimula na yata. Dito ka laang, Pinky Labs, hmm?" sabay halik ko sa kanyang pisngi.

Bago ako tuluyang lumabas ng pinto, nag-iwan ako ng isang mahalagang paalala. "Hawag kang sisilip, huh? Naka-panty ka laang", natatawa kong pang-aasar. "Baka may bumastos sa 'yo, sasapakin ko", seryoso ang mukha kong dugtong.

"Galingan mo", pahabol niya.

"Oo, para sa 'yo", sagot ko.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon