aayaw ko – ayoko
laang – lang
manlumalim – sobrang lalim
"H-hi. . ." nahihiyang bati sa 'kin ni Pinky bago mag-flag ceremony.
"H-hello. . ." medyo naiilang kong tugon.
"Hindi na kita ginising no'ng Sabado. Manlumalim ng tulog mo. . ."
"Pinky, please. . ." putol ko sa sinasabi niya.
"Bakit?" natigilan niyang tanong.
"I don't wanna talk about it."
"Bakit ayaw mong pag-usapan?" dismayado nitong tanong.
"Aayaw ko laang!" pagsusungit ko. Tama! Dapat magsungit ako! Tapos mags-sorry siya. . .tapos sasabihin ko. . .bati na kami basta hindi na namin ibabalik 'yong nagyari no'ng Friday night. Phew! What an idea! So bright!
Kaso. . .hindi gano'n ang kinalabasan. . .
"Pa'no 'yong nangyari, Pey?" Pey. . .wow! First time niya akong tinawag na Pey.
"It meant nothing."
"Wala lang 'yon sa 'yo? Okay. . ." gumagaralgal ang boses niyang tanong.
"Oo. . .wala lang 'yon sa 'kin."
Unti-unti ng nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.
"Ikaw ang first kiss ko", tuluyan ng pumatak ang mga luha niya.
"I'm sorry. . .Look, hindi ko 'yon ginusto", pagsisinungaling ko.
"Ha! Ha!" mapakla nitong tawa.
"Ako laang pala talaga ang may gusto, ano?"
Nang mga oras na 'yon, hindi ko alam kung anong isasagot ko. . .
"Ay sa tanga ko naman! Sa dami ng tao, sa 'yo pa ako na-in love, ano? Tanga mo, Pinky, tanga mo! Sobrang tanga mo!" sisi niya sa kanyang sarili.
"Pinky. . ."
"Ano?"
"I'm sorry."
"Sorry?" basag ang boses niyang tanong.
"Mag-best friend tayo."
"Alam ko! Alam ko, Pey, alam ko! Pero minahal kita ng higit pa doon!"
I tried to hug her but she refused.
"At no'ng hinalikan mo ako. . .umasa ako. . .umasa ako na mahal mo rin ako!"
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. . .kung anong gagawin ko. . .
"Ano? Titingnan mo laang ako?" umiiyak pa rin nitong tanong.
Gustung-gusto ko siya ulit yakapin pero natatakot akong baka tanggihan na naman niya ako.
"Tang ina naman, Pey! Bakit napakamanhid mo?"
. . .
"Bakit kailangan kong magmakaawa sa pagmamahal mo?"
. . .
"Bakit umasa ako sa halik mo?"
. . .
"Bakit kailangan kong palabasin sa ibang tao na meron ng TAYO?"
. . .
Sunud-sunod niyang tanong na kahit isa ay wala akong nasagot. Gusto kong magsalita pero ayaw bumukas ng bibig ko. Gusto ko siyang pigilan pero ayaw gumalaw ng katawan ko.
Hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. . .
BINABASA MO ANG
My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceMarami ang nagtatanong. . . "Sino ba si Pinky?" "Kaanu-ano mo si Pinky?" "Ano ang ikinamatay ni Pinky?" "Bakit wala kang ibang bukambibig kundi Pinky?" Well, let me tell you our story. . . https://www.youtube.com/watch?v=uzwbhkq75J0&feature=youtu.be...