adi – eh 'di
ahin – akin
ga – ba
hala – sige
hawag – huwag
laang– lang
mag-iyak – umiyak
mangkadumami – sobrang dami
mangkadumaya – sobrang daya
mangkalumungkot – sobrang lungkot
nakanta – kumakanta
natawag – tumatawag
natigil – tumitigil
ngay-on – ngayon
piho – sigurado
siye – whatever
Hi, Pinky Labs. October 14, 2009, 'yan ang araw na iniwan mo ako. Mangkadumaya mo, ni hindi ka man laang nagpaalam. Bakit naman ganoon? Bigla ka na laang nang-iwan. You should have said goodbye. Para kahit papaano, at least napaghandaan ko. Para kahit papaano, nasabi ko lahat ng gusto kong sabihin sa 'yo.
Limang taon na ang nakalipas pero hindi ko pa rin matanggap. Hanggang ngay-on, iniisip ko pa rin na nasa ibang bansa ka laang. . .na hindi mo laang alam ang number ko kaya hindi ka natawag. . .na wala ka laang talagang Facebook, Twitter, o Instagram account kaya hindi mo ako ma-contact. Limang taon na, Pinky, limang taon na pero hindi pa rin natigil sa pagpatak ang luha ko kapag naiisip kita. Limang taon na pero hindi ko pa rin talaga tanggap na wala ka na.
Sabi nila, i-let go na kita. Sabi nila, hindi ka raw matatahimik, hindi ka raw magiging masaya sa langit kapag alam mong may taong hindi pa rin tanggap ang pagkawala mo. I am so sorry kung ako ang taong 'yon. I can't seem to let you go. Alam mo 'yong pakiramdam na punung-puno ng panghihinayang ang puso mo? 'Yong punung-puno ka ng pagsisisi sa puso mo? Halos araw-araw na ginawa ng Diyos dati, kasama kita pero kahit minsan hindi ko nasabi sa 'yo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko. . .kung gaano ako ka-blessed for having you.
Mangkadumami nating pangarap, Pinky, mangkadumami nating pangarap. Unti-unti ng nagkakaroon ng katuparan oh! Tingnan mo, hindi na ako takot humarap sa maraming tao. Hindi na nila ako pinagtatawanan 'pag nakanta ako, pinapalakpakan na nila ang best friend mo oh! Hindi na rin ako takot sa failure. . .sa rejection. At sino ga ang mag-aakalang magiging kauna-unahang That's My Tomboy Grand Winner pa ang best friend mo? Napanood mo ga ako? Pihong titig na titig ka, ano? Pogi ga sa TV ang Apiang? Maganda ga monitor diyan sa langit? Ay siya na! Ay baka naman pixelated!
Pinky Labs, I think it's time for me to let go. Sabi mo sa ahin dati sa panaginip ko, hawag na akong mag-iyak, hawag na kitang alalahanin dahil masaya ka na. . .mangkadumaya mo talaga! Samantalang ako. . .samantalang kami. . .mangkalumungkot dahil wala ka na. Sabi mo sa ahin dati, kung ano ang nararamdaman ko, doble noon ang nararamdaman mo. Adi hala! Pipilitin kong maging masaya. Pipilitin kong tanggapin ang katotohanang ANGEL ka na. Pakakawalan na kita. Kapag may bumanggit ng pangalan mo, pipilitin kong hindi maluha, ngingiti na laang ako. Adi ga sabi mo'y nakakabata iyon?
Bubuhayin na laang kita sa puso ko, sa ala-ala ko, at sa librong gagawin ko para sa 'yo. Taray mo, huh? Ikaw ang bida. Kaya nga laang, hindi happy ending, hindi tayo nagkatuluyan eh. Siye!
Pinky Taneca-Tagoy, hindi ko ito nasabi sa 'yo noong buhay ka pa pero mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita and I am so sorry kung hindi ko ipinaramdam. I am so sorry kung kabaligtaran ang ipinakita ko sa 'yo. Palagi kitang inaasar, palagi kitang binu-bully, palagi kitang inaaway. . .sana alam mong that is my way of saying "I love you." 'Yong pangarap natin, tutuparin natin, hmm. 'Yong mga pangako ko sa 'yo, hindi mapapako, walang martilyo eh. Siye!
Pinky Labs, I will let you go but I will never let go of our promise. Kung walang Pinky Tagoy, walang Epey Herher ngay-on. There are three things I want to tell you. Thank you. Sorry. And I love you.
Again, I love you, Pinky, I love you.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceMarami ang nagtatanong. . . "Sino ba si Pinky?" "Kaanu-ano mo si Pinky?" "Ano ang ikinamatay ni Pinky?" "Bakit wala kang ibang bukambibig kundi Pinky?" Well, let me tell you our story. . . https://www.youtube.com/watch?v=uzwbhkq75J0&feature=youtu.be...