It's a Sign!

4.8K 107 9
                                    

adi – eh 'di

ahin – akin

apay – parang

bahin – bakit

ga – ba

gagaw-in – gagawin

hala – sige

ikako – sabi ko

laang – lang

magtataribukbok – matutumba

manggumanda – sobrang ganda

Nana – Lola

nasaya – sumasaya

pagka – kapag

yanga – talaga

A week has passed. . .

"Pinky Labs!" excited kong bungad umagang-umaga.

"Aba! Manggumanda para ng gising ng Nanang Apiang ah", pang-aasar nito.

"Guess what?" pambibitin ko.

"Aba ay manghuhula ga ako?" balik niyang tanong.

"Pinky Labs!" muli kong pambibitin.

"Ay ano ikako 'yon eh?"

"It's a sign!" tuwang-tuwa kong pagbabalita.

"Ang alin eh?" tanong niya.

Hinila ko ang kamay ni Pinky at dinala ko siya sa pader ng punung-puno ng mga propaganda ng bawat kandidato.

"Ay dahan-dahan ka ga naman eh, magtataribukbok ako sa iyo", natatawa nitong reklamo.

"Pinky Labs, tingnan mo!" simula ko.

"Ang alin ga?"

"Ito oh! Lahat ng mga propaganda nila, nabasa. Lahat ng mga propaganda nila, nasira. Ahin lamang ang tuyo, ahin lamang ang hindi nasira", tuwang-tuwa kong pagbabalita.

"Oh, ay ano ang ibig sabihin niyan?"

"Sign 'yan ni God the Father na magtatagumpay tayo!"

"Aba ay sign nga", natatawang sang-ayon ni Pinky.

Kanina, ako lang mag-isa. Pero ngayon, dalawa na kami. Dalawa na kaming tuwang-tuwa. Dalawa na kaming talon nang talon. Dalawa na kaming asang-asa na maganda ang kalalabasan ng botohan.

"Kaya pakagaling, aba! Pagpursigihan pa natin ang pangangampanya."

"Pinky Labs, salamat ah", titig na titig ako sa kanyang magandang mukha habang sinasabi ko ang mga katagang ito.

"Ay bahin ga parang bigla kang sumeryoso diyan?" tila na-conscious niyang tanong.

"Wala laang, sobrang thankful laang talaga ako."

"Ay saan ga na naman?"

"Dahil nandiyan ka, ikaw ang unang-unang nasaya pagka masaya ako."

"At ako rin ang unang-unang taong nalulungkot kapag malungkot ka kaya ngumiti ka na."

"Hayaan mo na ga laang akong magdrama eh. Minsan laang naman ito."

"Oh, adi hala! Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin", sakay niya sa trip ko.

"Masaya ako dahil hindi mo ako hinahayaang tumalon mag-isa. Natalon ka rin kahit mukha na tayong tanga."

"Ay ano naman ang mukhang tanga sa pagtalon?"

"Adi apay tayo mga bata."

"Ay baby face naman tayo kaya ayos lamang iyon."

"Paano kung sa bangin pala ako tatalon? Tatalon ka rin?"

"Bago ka pa tumalon, nakatalon na ako. Nadoon na ako sa ibaba. Ako pa mismo ang sasalo sa iyo."

"Yanga?"

"Yanga. Saka kung ano ang gagaw-in mo, gagaw-in ko rin. Kapag nagpagulong-gulong ka diyan, magpapagulong-gulong din ako. Kapag nagsisigaw ka, magsisisigaw din ako. Kapag nag-vertical ka, magbe-vertical din ako. Kapag nag-split ka, mag-i-split din ako. Kapag. . ."

"Bahin mo gagaw-in iyon?" putol ko sa sinasabi niya.

"Adi para maramdaman mo na hindi ka nag-iisa. Kung sa tingin mo mukha kang tanga, adi dalawa tayong mukhang tanga."

"Kaya ikaw ang Pinky Labs ko eh", lambing ko sabay pisil ng ilong niya.

"Isa lamang naman ang gusto kong gayahin mo sa mga ginagawa ko sa iyo", biglang sumeryosong sabi ni Pinky.

"Ano 'yon, Rudolph the Red-Nosed Reindeer?" pang-aasar ko dahil sobrang pula na ng ilong niya.

"Adi ang mahalin mo rin ako."

Nagri-ring ang bell habang sinasabi niya ang mga katagang 'yon pero napakalinaw na nakarating sa aking pandinig.

"Ano 'yon?" pagbibingi-bingihan ko.

"Ang sabi ko. . ."

"Pinky Labs, tara! Flag ceremony na!" putol ko sa anumang sasabihin niya.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon