Luha

538 14 1
                                    

adi– eh 'di

ga – ba

gan-on – gano'n

hawag– huwag

ikako – sabi ko

laang– lang

ngay-on – ngayon

sip-on – sipon

Four months. We waited for four long months hanggang sa sumapit ang pinakainaabangan ng lahat. . .ang Grand Finals.

February 1, 2014

The moment of truth. . .and the moment of poorooroot. Actually, pangalawang araw na 'to. Hindi ko alam kung may nakain ba akong hindi maganda o epekto lang 'to ng sobrang kaba. Basta ang alam ko, sobrang sama ng pakiramdam ko. Feeling ko, anytime, magko-collapse ako.

"Anak, bangon na", malambing na bati sa 'kin ng pinakamamahal kong Mama alas-singko ng umaga.

"Mama, hindi ko kaya."

"Anak, ngay-on ang Grand Finals ninyo, kayanin mo."

"Mamaaa. . ." umiiyak kong tawag sa pinakamamahal kong Ina.

Luha. Tama, luha. A priest once told us a touching story about success during our Retreat and after that, he asked us kung ano ang isang bagay na makapagpapaalala sa amin to be successful. Toroy, may gano'n. At habang nag-iiyakan ang mga kaklase namin, wala kaming ginagawa ni Pinky kundi ang magdaldalan.

"Hawag kang maingay", pabulong kong saway sa kanya.

"Tingnan mo si Kalabaw, tulo ang laway", tawang-tawa nitong pang-aasar.

"Hawag ka sabi maingay eh."

"Laway ga iyon o sip-on? Iisa hitsura ng bibig at ilong eh."

At sabay na naman kaming nagtawanan ng walang sound. Promise, nakakaiyak!

"Luha", mahinang bulong sa akin ni Pinky.

"Eh?"

"Luha ikako", ulit nito.

"Anong luha?"

"Luha."

"Luha?"

"'Yong sa tanong ni Father."

"Luha ang makapagpapaalala sa 'yo to be successful?"

"Oo", nakangiti nitong bulong.

"Bakit luha?" nawiwirduhan kong tanong.

"Luha. Basta. Luha. Eh sa 'yo, ano?"

"Um. . . Sip-on?"

At nagtawanan na naman kami ng walang sound.

"Ano nga?" tawang-tawa pa ring pangungulit ni Pinky.

"Kahit ano. . ."

"Hindi puwedeng kahit ano."

"Adi kahit ano na laang na natulo. Luha, tubig, sip-on. . .

"Ambon, mga gan-on?" walang judgment niyang tanong.

"Oo, mga gan-on.

"Adi lagi kitang paiiyakin para maging successful ka."

"Grabe ka", nakasimangot kong reklamo. "Grabe ka talaga!"

"May tears of joy din na tinatawag, ano ka ga? Saka liilinisin ko laang naman ang iyong bilugang mga mata para makita mo ang mga bagay na dapat mong makita."

Luha.

"Lagi kitang paiiyakin para maging successful ka." Ah. . .kaya ba nawala ka? L

"Anak, sabihin mo laangkung hindi mo talaga kaya ah", mangiyak-ngiyak na sabi ng pinakamamahal kong Ina.

Luha.

"Kaya ko, Mama."

"Sigurado ka?"

"Dapat pumunta ako dahil ako ang mag-uuwi ng Title", pabiro pero determinado kong sagot.

"That's my girl", sakay nito sa supposed to be nakakatawa pero naging nakaka-touch na joke. "Aba! That's my tomboy pala", nakangiti nitong paglilinaw.

Hay! I so love my Mom!

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon