Best Friends Forever

4.7K 114 8
                                    

ambo– puro

ga – ba

gan-on – gano'n

ire – ito

kako – sabi ko

laang – lang

mangkabingi – sobrang bingi

"Ano ang mortal sin?" pahabol na tanong ni Pinky.

"Ang alin?"

"Ano ga naman ire't mangkabingi?" natatawa nitong reklamo.

"Ay ulitin mo na ga laang eh", paglalambing ko.

"Ano kako ang mortal sin?" ulit niya.

"Ay ano ga't mortal sin? Gan-on na ga ako kamakasalanan?"

"Sagutin mo na ga laang eh", pamimilit niya.

"Ambo ka na namang pauso eh", reklamo ko habang kumakamot ng ulo.

"Sagot", nakangiting utos ni Pinky.

"Ang pagpatay?" nag-aalinlangan kong tanong.

"Hindi iyon", natatawa nitong tanggi.

"Ang pagpapakamatay?" muli kong hula sa tanong niya.

"Hindi rin 'yon."

"Ay ano ga iyon? Ang pakikiapid?" natatawa kong tanong.

"Ano ka ga?" natatawang balik-tanong ni Pinky. "Mortal sin sa ating dalawa, hindi kay God the Father", dugtong niya.

"Ahhhhhhhhhhhhhh!" tutunga-tunga kong sagot na kunwari ay naiintindihan ko pero hindi naman talaga. "Ay ano nga iyon?" pagpapakatotoo ko.

"Mortal sin, pagiging mayabang", madiing sabi ni Pinky.

"May pagdiin talaga?" medyo natamaan ako sa sinabi niya.

"Ano ang magic word?" tanong niya.

"Magic word?" balik kong tanong.

"Humility", sabi niya. "Humility, April Mariz Villamar-Herher, humility", ulit ni Pinky.

"Humility, Epey, humility", bulong ko sa aking sarili.

At dahil sa mapait ngang pangyayaring iyon, nagsimula akong mangarap. Dahil sa mapait na pangyayaring iyon, truth slaps me in the face. . .na walang maidudulot na mabuti ang kayabangan. . .na God-given-talent ang kung ano mang meron ka kaya you have to give it back to God. Like. . .do everything from the heart. . .do everything with love.

"Thank you, Pinky."

Alam kong kulang ang mga katagang 'yon para pasalamatan siya sa lahat-lahat-lahat-lahat-lahat.

"Wala iyon. Best friends tayo eh", matamis ang ngiting sagot ni Pinky.

"Best friends forever?" tanong ko.

"Best friends forever", sagot niya.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon