One Thing That I Love Most About Her

3.4K 109 7
                                    

ay patawarin – ano ba

bahin – bakit

ga– ba

gaw-in – gawin

hawag – huwag

laang – lang

mangkakumyut – sobrang cute

pagapi – patalo

piho – sigurado

tayka – teka

"Handa ka na ga?" malambing na tanong sa 'kin ni Pinky bago magsimula ang pinakahihintay naming singing contest.

"Handa na", mahina kong sagot na may kasunod na napakalalim na buntong-hininga.

"Hawag kang kabahan, ay patawarin", natatawang pagpapalakas niya ng loob ko.

"Ay kung alam ko laang kung paano pigilan ang kaba ay ginawa ko na", sagot ko.

"Hawag mong pigilan, damhin mo laang. Basta hawag kang pagapi", sabi ni Pinky habang hinahampas ng mahina ang balikat ko.

"Hawag mo na kakalimutan ang lyrics ah", pang-aasar nito.

"Opo", nakasimangot kong sagot.

"Joke laang! Ito naman!" nakangiti niyang bawi sabay kurot sa magkabila kong pisngi. "Hmm! Mangkakumyut talaga ng Apiang ko!" nanggigigil nitong dugtong.

"Hawag ga eh", pigil ko sa ginagawa niya. "Matatanggal ang pulbo ko", reklamo ko sabay tapon sa kanyang dalawang kamay.

"Ay at least may libre ka ng blush-on gawa ng kurot ko", nakangiting pang-aasar ni Pinky.

"Pinky Labs, kinakabahan talaga ako", pag-amin ko.

"I-enjoy mo laang, ano ka ga?" pagpapalakas niya ng loob ko. "Sing from the heart", nakangiti nitong dugtong.

"Wow! English 'yon ah", pang-aasar ko.

"Ay kaya nga gaw-in mo, minsan laang ako magsalita ng wikang banyaga kaya seryosohin mo."

"Opo nga", nakangiti kong sagot.

At dumating na nga ang sandaling kinatatakutan ko.

"Ten minutes na laang, Pinky Labs! Nang mga sandaling 'yon, abot-langit ang aking kaba habang hawak ko ng napakahigpit ang kamay niya.

"Hawag ka gang ganyan eh. Pati ako'y kinakabahan na din para sa iyo", pag-amin niya.

"Sus! Kunwari ka pa eh alam ko namang gustung-gusto mo namang hawak ko ang kamay mo", pang-aasar ko.

"Aba ay pihong gustung-gusto ko nga", tila kinikilig niyang pag-amin.

"Phew! Kaya natin ito", sabi ko habang nagpapakawala ng isang napakalalim na buntong-hininga.

"Oo, kaya natin ito", sagot niya. "Tayka pala muna! Ay bahin ga parang ako ang chini-cheer mo ay hindi naman ako ang kakanta?"

"Oo nga, ano?" tila natauhan kong komento. "Ako nga pala", natatawa kong dugtong.

"Ayos na ga pala ang CD mo?" tanong ni Pinky.

"Nasa bag ko."

"Aba ay ipakuha mo kay Father", pabiro niyang tukoy sa Parish Priest namin.

One thing that I love most about her? Kahit sobrang bigat na ng atmosphere, bigla niyang napapagaan na parang hindi siya aware. Hay! I so love this girl.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon