adi – eh 'di
ga – ba
hala – sige
ikako – sabi ko
laang – lang
piho – sigurado
"Apiang. . ." malambing na tawag ni Pinky sa pangalan ko isang umaga.
"Lambing na lambing mo na naman para", kinukutuban ko ng tugon.
"Ay ano ga na naman iyon?" pagmamaang-maangan niya na unti-unting nagpapahaba ng kanyang ilong.
"Malapit na ang Feast Day", gaya ko sa the way ng pagsasalita niya. "Gustong marinig ng Stella Marians ang boses ni Epey", patuloy kong panggagaya sa linya niya taon-taon tuwing sasapit ang Feast Day.
"Kuhang-kuha mo ah", tuwang-tuwa nitong komento.
"Ay apat na taon ga naman tayong laging magkasama eh. . .pihong kabisadong-kabisado na kita", matamis ang ngiti kong tugon.
"Adi kapag apat na taon na tayong hindi na magkasama. . ."
"Ano? Makakalimutan na kita?" putol ko sa sinasabi niya.
"Oo. Makakalimutan mo na ako?" malungkot nitong tanong.
"Hindi kita makakalimutan. . .kahit doblehin mo pa ang apat na taon, kahit gawin mo pang triple. . .ay hala, apatin mo na! I'm giving you my word, Pinky Taneca-Tagoy, hin-di-ki-ta-ma-ka-ka-li-mu-tan."
"Sabi mo 'yan ah", biglang umaliwalas ang mukha niya.
"Sabi ko 'yon ah", muli kong gaya sa the way ng pagsasalita niya.
"Apiang. . ." tawag na naman niya sa pangalan ko.
"Ano na naman?" kunwari ay naiinis ko ng tanong.
"Apiang. . ."
"Oo na, kakanta na", sang-ayon ko para tumigil na siya.
"Eh. . .may gusto pa akong iba. . ."
"Howag po, Koya", biro ko sabay takip sa aking dalawang dibdib na magka-ekis na aliw na aliw siya.
"Apiang. . ."
"Ano ikako 'yon eh?"
"Naiinis ka na?" malungkot nitong tanong.
"Hindi ah! Never kang naging kainis-inis", sarcastic kong sagot.
"Talaga?"
"Talaga!" palabas sa ilong kong sang-ayon.
"Kung hindi ako kainis-inis, ano pala ako?"
"Adi. . .um. . .hmm. . ."wala akong mahagilap na adjective.
"Tingnan mo, wala kang maisip", reklamo niya.
"Kanais-nais. . .tama, isa kang kanais-nais."
"Sabi mo 'yan ah", muling umaliwalas ang mukha niya.
"Sabi ko 'yon ah", paulit-ulit kong gaya sa the way ng pagsasalita niya.
"Apiang. . ." muli na naman niyang tawag sa pangalan ko.
"Sabihin mo na, nakakalima ka na", suko ko sa kakulitan niya.
"Hindi ka tatanggi?" paninigurado ni Pinky.
"Depende."
"Eh! Sasabihin ko laang kapag sinabi mong hindi ka tatanggi", pagmamatigas nito.
"Fine! Hindi ako tatanggi", nagro-rolling eyes kong tugon.
"Yehey!" tuwang-tuwa niyang sambit habang iwinawagayway ang dalawang kamay sa hangin.
"Yehey!" lungkot na lungkot kong tugon habang ginagaya ang ginagawa niya.
"Sayaw ka sa Feast Day", kaswal na sabi ni Pinky.
"No way!" mariin kong tanggi sabay laglag ng dalawang kamay ko na kani-kanina lang ay iwinawagayway ko sa hangin.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceMarami ang nagtatanong. . . "Sino ba si Pinky?" "Kaanu-ano mo si Pinky?" "Ano ang ikinamatay ni Pinky?" "Bakit wala kang ibang bukambibig kundi Pinky?" Well, let me tell you our story. . . https://www.youtube.com/watch?v=uzwbhkq75J0&feature=youtu.be...