Now, I Get It

525 11 0
                                    

adi – eh 'di

ay nakakaano ga – so what

bahin – bakit

ga – ba

hala – sige

hawag – huwag

laang – lang

oh ay ngay-on – eh ano naman ngayon

"Gifted si Marie", selos na selos na sabi ni Pinky.

"Gifted?" walang idea kong tanong.

"Oo. . .kaya madami sa kanyang nagkakagustong lalaki."

Gifted. Hmm. . .define gifted. Ano 'to? Parang batang Bonakid? Yohohohohoho!

"Malaki na nga ang puwet niya. . .ay pati ga naman ang hinaharap niya?" pagmamaktol nito.

"Oh. . ." Now, I get it.

"Oh oh ka diyan. . ." nakasimangot nitong sambit.

"Ay nakakaano ga kung malaki ang. . .kung malaki?" natatawa pero nao-awkward-an kong tanong.

"Adi may gusto ka rin kay Marie."

"Ay bahin ga ako magkakagusto doon?" tanggi ko.

"Ay crush ka noon eh!"

"Oh ay ngay-on?"

Sauce. Hot sauce. "Ay crush ka noon eh!" OMG! Gusto kong tanungin kung totoo kaya lang baka tuluyan ng sumabog si Pinky. Pero kasi. . .who doesn't like Marie? She is pretty. . .like HELLA pretty. . .and Pinky wasn't lying nang sabihin niyang madami ditong nagkakagustong lalaki. . .ahem. . .pati babae.

"Hiningi raw ni Marie kay Ley ang number mo", pagsusumbong nito. "Ka-text mo na, ano?"

"Oh. . ." abot ko ng cellphone kay Pinky.

"Para nag-thank you laang eh."

"Ay diyan na nga nagsisimula iyan."

"Ay ang ano ga na naman?"

"Gusto ka niya", malungkot na sabi ni Pinky. "At gusto rin kita", pabulong nitong dugtong.

"May Marie Labs ga?" paglalambing ko. "Wala naman, 'di ga?"

. . .

"Pinky Labs laang ang meron ako, duh!" dugtong ko na sobrang ikinatuwa niya.

"Talaga?"

"Talagang-talagang-talaga", nakangiti kong sagot habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"Adi hala, hindi na ako magseselos."

"At hawag ka na ring pumunta sa Health Corner, utang na loob", nang-aasar kong paalala.

"Adi hala."

"Sabi mo 'yan ah."

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon