Landslide Victory

3.4K 93 6
                                    

adi – eh 'di

ahin – akin

apay – parang

ga  ba

gurang – matanda

hawag – huwag

ire – ito

kainaman ka na – grabe ka talaga

laang – lang

mangkakumyut – sobrang cute

pamihado – sigurado

"Nakahanda ka na ga sa pag-landslide ulit ng iyong boto sa third year?" matamis ang ngiting tanong ni Pinky.

"Malabo, Pinky Labs", sagot ko.

"Maliwanag pa sa sikat ng araw, ikaw ulit 'yan."

To be honest, I really doubted what she just said. Junior student ang isa kong katunggali sa pagiging Secretary. Malamang sa malamang, susuportahan ng mga estudyante ang batch mate nila.

"Sabi ko sa 'yo eh", tuwang-tuwang sabi ni Pinky.

Wait, what? Ako pa rin ang binoto ng halos 75% na junior students. I can't believe it!

"Galing mam-brainwash ng best friend mo, ano?" proud na proud sa sariling sabi ni Pinky.

"Anong ginawa mo?" nagdududa kong tanong.

"Adi sabi ko'y gurang ka na. Fourth year ka na, last year mo na ito sa Stella Maris kaya ikaw na laang ang iboto nila. Next year na laang nila iboto si Donna Riza", tukoy niya sa junior student na katunggali ko sa pagiging sekretarya.

"Gurang pala, huh?" kunwari ay nagtatampo kong reklamo.

"Hawag ka na gang magalit eh. Apay naman ire others", naglalambing sa sabi ni Pinky. Last two ballot boxes, kahit hindi ikaw ang manalo sa fourth year, ikaw na ang panalong Secretary. Ay sa laki naman ng lamang mo! Kahit pagsama-samahin ang boto nilang apat, wala pa sa 25% na boto sa iyo", proud na proud na sabi ni Pinky. "Pero sa 'yo pa rin ang fourth year, maniwala ka sa ahin", nakangiti nitong dugtong.

"Diyan na ako hindi maniniwala", mariin kong tanggi. "Apat kaming kandidato sa fourth year, pamihadong hati-hati ang boto."

"Ah, basta! Sa maniwala ka't sa hindi, landslide ulit 'yan. Sinurvey ko sila isa-isa eh. Ikaw ang gusto nila."

"Sinurvey o tinakot?"

"Sinurvey. . ." nakangiting sagot ni Pinky. "At tinakot", natatawa nitong pag-amin.

"Kainaman ka na", nanggigigil kong kurot sa pisngi niya.

"Hawag ga eh! Masakit", pigil niya sa ginagawa ko.

"Ay ang hirap sa 'yo, mangkakumyut mo", lalo kong pinanggigilan ang pisngi niya.

Dahil busy sa pagkukulitan, hindi namin namalayan na tapos na pala ang bilangan. It was a landslide victory. From first year to fourth year, ako ang ibinoto ng majority sa kanila. Phew! Thank God! And siyempre, thank you rin ng madaming-madami kay Pinky Labs.

Congrats, Epey here. Congrats, Epey there. Congrats, Epey everywhere. 'Yan ang paulit-ulit nilang sinasabi sa 'kin.

Salamat po here, salamat po there, salamat po everywhere. 'Yan ang paulit-ulit kong isinasagot sa kanila.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon