Pinky's Vision

4.6K 112 6
                                    

adi – eh 'di

ahin – akin

adi – eh 'di

bahin – bakit

ga – ba

laang – lang

maalam – marunong

Nana – Lola

nakikinikita – nakikita

ngay-on – ngayon

"Ano ga gusto mo sa iyong birthday?" tanong ng aking Mama bago sumapit ang aking kaarawan.

"Um, basta kumpleto tayo nina James, ng ma-Nana, ma-Lolo, at si Gon. . ."tukoy ko sa nakababata kong kapatid, sa grandparents ko, at sa pinakamamahal kong aso. "Masaya na ako doon. . .at pati pala si Pinky", pahabol ko.

"Ay sino gang Pinky? Adi ga't si Zyra ang crush mo?"nanunuksong tanong ng aking Mama.

"Best friend ko si Pinky. Hindi ko na crush si Zyra", matabang kong sagot.

"Ay bahin eh?" tila naiintriga nitong tanong.

Isang matipid lang na ngiti ang isinagot ko.

"Ay ano na laang ang gusto mong matanggap sa birthday mo?" pagbabalik niya sa topic kanina. Napansin niya sigurong ayokong pag-usapan si Zyra.

"Um. . .gusto ko ng gitara, Mama. Wala laang, parang cool laang. Balang-araw, gusto kong maging gitarista. Tapos, magku-choir ako, siyempre. . .masasanay ang boses ko. . .at kapag mahusay na ako, magiging singer/songwriter na ang panganay mo", pagsi-share ko ng aking napakataas na pangarap sa Mama ko.

Hindi siya nagsalita pero kitang-kita ko sa kanyang mga mata na tuwang-tuwa siya dahil for the very first time, natuto akong mangarap. For having Pinky, thank God.

"Pinky Labs?" gulat na bati ko sa kanya nang makita ko siya sa loob ng simbahan ng alas-sais ng umaga.

"Happy birthday!" bati niya. "Inagahan ko talaga ang ahing gising para samahan kang magsimba."

"Saan ka sumakay?" tanong ko habang sinisilip sa labas ng simbahan ang jeep na school service nila.

"Nagpahatid laang ako sa ahing Ama", nakangiti nitong pagbabalita.

"Adi ga't malayo ang Tagbac dito? Ay anong oras ka gumising?" namamangha kong tanong.

"Magsitayo po ang lahat", sabi ng lector. Hudyat na magsisimula na ang Banal na Misa.

"Walang extrang pera ang ahing Ama't Ina, wala ring natitira sa baon ko kaya ito lamang ang nakayanan ko", nahihiyang sabi ni Pinky sabay abot sa akin ng isang maliit na kahon after naming magsimba.

"Ay paanong may matitira sa baon mo ay palagi mo akong inililibre?" nakokonsensiya kong tanong.

"Buksan mo", mababanaag ang excitement sa mukha niya.

Pagbukas ko ng kanyang munting regalo, isang cute na gitarang keychain ang bumugad sa aking mga mata.

"Aww, cute", tuwang-tuwa kong sabi kay Pinky. "Thank you."

"Nagustuhan mo?" nakangiti nitong tanong.

"Oo naman", sagot ko.

"Sa ngay-on, keychain muna iyan. . .pero darating ang tamang panahon, magiging totoong gitara din 'yan", sabi niya.

"Bakit Nitro?" tanong ko nang mabasa kong may nakasulat sa keychain.

"Hindi ko rin alam. Giveaway laang 'yan. Gitara. . .kaya naisip agad kita", nakangiting paliwanag ni Pinky.

"Eh? Hindi naman ako maalam maggitara eh", tanggi ko. "Pero gustung-gusto ko talagang matuto. Ay sa galing mo naman! Bahin ga parang nababasa mo ang nilalaman ng ahing puso?" naa-amaze kong tanong.

"Ay hindi ka ga maalam?" gulat na gulat nitong tanong. "Ay paano mo nagawa 'yong I don't deserve to love you so and to dream that you will love me, too?"

"Ay ano ga namang haba ng title?" tawang-tawa kong tanong. "Hindi naman kailangan ng gitara para makagawa ka ng kanta", nakangiti kong paliwanag.

"Ay ano ang kailagan?" curious na tanong ni Pinky.

"Adi inspirasyon", sagot ko. "Tapos may napanaginipan pa akong magandang tono na parang bagay sa lyrics. . .adi 'yon", nakangiti kong dugtong.

"Ay bahin parang nakikinikita kitang nakanta sa harap ng maraming tao tapos may hawak kang gitara?" tanong niya.

"Ay panaginip mo laang 'yon", natatawa kong tugon. "Kung anu-ano iniisip mo", pang-aasar ko.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon