Original Composition

4.2K 115 7
                                    

aayaw – ayaw

ahin – akin

ambo kang kakulangan – puro ka kalokohan

bahin – bakit

ga – ba

hawag – huwag

laang – lang

yanga – talaga

2 Years Later. . .

"Mami-miss mo ga ako?" out of nowhere na tanong sa akin ni Pinky.

"Hindi", sagot ko.

Sumimangot siya. Ang cute-cute-cute naman talaga ni Pinky habang nakasimangot. Ang weird, 'di ba? Yohohohohoho. Every time kasi na nakikita ko siya, palagi siyang nakangiti, palagi siyang nakatawa. Very seldom ko lang siya makitang nakasimangot kaya I find it very cute.

"Ay ano ga namang mami-miss ay third year pa laang tayo? May fourth year pa", nakangiti kong paliwanag. "Pero don't worry, kapag na-miss kita, pupuntahan kita. Lapit ng Tagbac eh", bawi ko.

"Yanga?"

"Yanga", nakangiti kong sagot. "And. . .may ipaparinig ako sa 'yo", excited kong dugtong sabay labas kay Ortin.

"Ano?" mas excited nitong tanong.

"This song is for Sarah Geronimo, it's called, "My Sweetest Downfall", simula ko.

"Sarah Geronimo?"

"Oo. 'Yong nanalo sa Star for a Night."

"Alam ko, napanood ko."

"Galing niya, ano?" in love na in love kong komento.

"So. . .talaga palang wala na kayo ni Jolens, ano?" natatawa nitong pang-aasar na ang tinutukoy ay si Jolina Magdangal.

"Ay sabi ko naman sa 'yo, matagal na kaming break", sakay ko sa kanya mga biro.

"Huhulaan ko kakantahin mo", simula niya. "To Love You More, ano?" natatawa nitong dugtong.

"Hindi, taas noon. Original composition ito", medyo nahihiya kong sagot.

"Aba! Talaga palang singer/songwriter na ang best friend ko. Oh, dali na! Parinig na ako", tuwang-tuwang sabi ni Pinky.

I've been in love

But I wish I have never been there

It broke my heart I lost the battle without fighting

Oh! Oh!

How can I tell you I love you?

I can't even get close to you

My sweetest downfall

Been waiting too long

Most bitter heartache

What risk to take?

When will I get up?

I need your love

Come on and same me, yeah

My all, my sweetest downfall

"Ganda", namamanghang puri ni Pinky. Ituloy mo laang."

"Tapos na", kamot-ulo kong sagot.

"Ay bahin ga bitin?" kunut-noo nitong tanong. "Pero maganda, sobrang ganda", bawi niya.

"'Yon pa laang ang nagagawa ko eh", malungkot kong pag-amin.

"Ano gang 'yon pa laang? Walang laang! Sabihin mo dapat, "Ito ang kantang nagawa ko, ito ay para sa 'yo, Sarah Geronimo, pakinggan mo. Galing ito sa kaibuturan ng puso ko", sabi ni Pinky.

"As if namang malalapitan ko 'yon."

"Ay paano kung malapitan mo?" nakangiti nitong tanong.

"As if namang papansinin ako noon."

"Ay paano kung pansinin ka?" mas matamis ang ngiting tanong ni Pinky.

"Imposible 'yon", kontra ko.

"Walang imposible. Basta kaya mong isipin, kaya mong gawin", pagpapalakas niya ng aking loob. "Tingnan mo ako sa 'yo, ay sino ga ang mag-aakalang magkakatotoo ang pangarap kong magiging kaibigan kita? Pero higit pa roon ang nangyari, tingnan mo nga't naging best friend pa kita", ngiting-ngiti nitong pagmamalaki.

"Ambo kang kakulangan", pambabara ko.

"Kanta mo kay Sarah Geronimo ang My Sweetest Downfall, kanta ko naman iyon sa iyo. Kung ano ang nararamdaman mo para kay Sarah, doble noon ang nararamdaman ko para sa 'yo", mahaba nitong talumpati.

"Oo na laang. Aayaw mong magpatalo eh", naiiling kong tugon kay Pinky. "Sana matapos ko na itong ginagawa kong kanta, ano?" malalim na buntong-hininga kong dugtong.

"Ay hawag ka gang magmadali eh. Kaya mo 'yan! Best friend ko pa ga? Ay pihong yakang-yaka", ngiting-ngiti nitong sabi. "Ang kailangan mo laang diyan ay isang matindi-tinding inspirasyon. Hindi man si Sarah, meron at meron kang makikilalang isang tao at mararamdaman mo sa kanya kung ano ang nararamdaman ko para sa 'yo. . .at malay mo, 'yon din ang time na matatapos mo 'yong ginagawa mong kanta", matalinhagang sabi ni Pinky.

"Hindi ko gets", kunut-noo kong reklamo.

"Darating din ang araw na maiintindihan mo lahat ng ahing sinasabi."

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon