T-boom! T-boom! T-boom!

562 14 0
                                    

TMT – That's My Tomboy

Isa ako sa daan-daang nag-audition sa TMT. . .I swear, hindi ko akalaing gano'n pala kami kadami. Tomboy here! Tomboy there! Tomboy everywhere! At isa ako sa mga mapapalad na nakapasa. Oh, 'di ba? Bongga! At heto pa! At isa rin ako sa mga isasalang sa unang linggo. Haha! Huhu! Abot-langit ang saya ko pero sukdulan sa langit ang kaba ko.

Toot! Toot!

A text message from Ma'am Bing of It's Showtime.

"Hi, guys. Panoorin po ninyo ang pilot week para may idea rin po kayo sa Q and A. Siyempre, pabonggahin n'yo rin ang talent. Anyway, wala namang mauulit na question, para lang po may idea kayo. Good luck, guys."

And so I did. Since Friday pa ako isasalang, nakatutok ako sa That's My Tomboymula Monday hanggang Thursday.

At dumating na nga ang araw na pinakahihintay and at the same time pinakaiiwasan ko. Kinakabahan ako. Natatakot ako. Ninenerbiyos ako. Kung nandito lang sana si Pinky para palakasin ang loob ko. Kung nandito lang sana si Pinky para saluhin ako sakaling pagtawanan ako ng mga tao. Pinky, ano na? Nasaan ka ba? Halika dito! Samahan mo ako!

And she did. I know she did. Kabaligtaran ang nangyari, hindi ang kinatatakutan ko. People loved it when I sing Kasama Kang Tumanda/Grow Old With You. Pinky, did you see that? Did I make you proud?

Pinky smiled. Ito ba 'yon, Pinky Labs?

Lumulutang pa rin ako sa kasiyahan hanggang sa umabot ako sa Question and Answer portion. Binigyan nila ako ng bowl na punong-puno ng samu't-saring tanong. May isang bilot ng papel na sumabit sa kuko ko. Hindi ko tinanggal. Bagkus, ito ang pinili ko. Vice Ganda then asked, "Kung may isang bagay kang pinagsisisihan sa buhay mo, ano ito at bakit?"

Wait. What? Ang sabi sa amin ni Ma'am Bing, wala raw uuliting question pero ganitong-ganito ang tanong sa isang contestant kahapon. Sigurado ako dahil napanood ko. Sigurado ako dahil sa bawat katanungan sa mga Boom T-Booms, may sagot din ako. This may sound weird pero. . .hindi kaya si Pinky ang pumili ng tanong ko? Hindi kaya si Pinky ang nag-ipit ng bilot ng papel sa kuko ko?

"Siguro kung meron man akong isang bagay na pinagsisisihan sa buhay ko. . .siguro 'yong hindi ko nasabi sa kanya. . .na mahal ko siya."

Samu't-saring reactions ang natanggap ko. Merong, "Aww." Merong, "Why?" Merong, "Sayang."

At isa-isa ko ring sinagot ang mga follow-up questions nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Anne Curtis, and Jhong Hilario.

Ewan ko pero when I said that, parang nabawasan ang tinik sa puso ko. Siguro that's my way of apologizing na rin sa kanya. At least, hindi lang siya kundi ang lahat ng mga nanonood ng mga oras na 'yon ang nakakaalam na mahal ko siya.

Huy, Pinky! Mahal kita! Sinabi ko on national television na mahal kita! Narinig mo ba? O uulitin ko pa?

T-boom! T-boom! T-boom!

Nakapasok ako sa Weekly Finals.

T-boom! T-boom! T-boom!

Thank God! Pasok din ako sa Grand Finals.

Hindi lang si Pinky ang tumatak sa isipan ng mga tao. Tumatak din sa isipan nila ang mga katagang, "We are born to be true, not to be perfect." At na-deliver ko rin ng maayos ang aking privileged speech.

Pinky smiled. Pinky Labs, my Pinky Labs, ngingiti ka pa rin kaya after ng Grand Finals?

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon