Totoo nga ba ang Sign?

3.5K 90 5
                                    

aayaw ko – ayoko

ga – ba

hawag– huwag

hayto – heto

kagagaw-an – kagagawan

laang – lang

"Pinky Labs, totoo ang sign!" halos magtatalon ako sa sobrang tuwa.

"Alam mo ga kung ano ang totoo?" natatawa nitong tanong.

"Ano ang totoo?" medyo kinabahan kong tanong.

"Mag-promise ka muna na hindi ka magagalit", pang-uuto niya.

"Eh", tanggi ko. "Ano muna 'yon?" kinakabahan kong dugtong.

"Hawag na kaya?" nag-aalinlangan nitong tanong.

"Sabi mo, best friends tayo", pangongonsensiya ko.

"O-oo nga."

"Now, tell me. Ano ang totoo?" seryoso kong tanong.

"Kumain na kaya muna tayo? Gutom na ako. I-celebrte natin ang pagkapanalo mo", pag-iiba niya ng topic.

"Isa", pagmamatigas ko.

"O-okay. H-hayto na", nabubulol nitong sagot. "Pero ngiti ka muna", nang-uuto nitong dugtong.

Napilitan akong ngumiti.

"Gusto ko labas lahat ng ngipin", naglalambing nitong utos.

And so I did.

"'Y-yong propaganda mong hindi nabasa", nag-aalinlangan niyang simula. "A-ako ang may kagagaw-an noon. Binasa ko lahat ng mga propaganda ng kalaban mo. Isinama ko na rin 'yong sa ibang kandidato para hindi halata. Ang itinira ko laang na tuyo ay 'yong sa iyo", pag-amin niya.

"Salbahe ka", dismayado kong sabi kay Pinky.

Katahimikan. Isang mahabang katahimikan.

"Sabi ko sa 'yo dati, alisin mo ang kayabangan mo. Kaya laang ang nangyari, pati tiwala mo sa iyong sarili, tinanggal mo", kitang-kita ang lungkot sa kanyang mga mata habang sinasabi ang mga katagang 'yon.

"Nandiyan ka naman eh", sagot ko sabay sandal ng aking ulo sa balikat niya.

"Ay paano kapag wala na ako?" tanong ni Pinky.

"Aayaw ko, hindi ka puwedeng mawala", sabi ko sa kanya sabay yakap ng sobrang higpit. "Tutuparin pa natin ang ating mga pangarap ng magkasama, 'di ga?"

"Hindi ka na galit?" tanong niya.

"Eh! Magpromise ka", pangungulit ko kay Pinky.

"Opo", nakangiti nitong sagot. "So, bati na tayo?" paglalambing niya.

"Basta nag-promise kang hindi ka mawawala, okay na", ngiting-ngiti kong sagot.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon