Ang Batang Ipinanganak sa Tricycle

7.6K 152 13
                                    

bahin – bakit

ga – ba

hawag – huwag

hayto – heto

ikako – sabi ko

laang – lang

natatan-aw – nakikita

ngay-on – ngayon

papar-on – pupunta

tayka – teka

"Amaaa! Inaaa!" palahaw ng aking Mama.

"Bahin?" natatarantang tanong ng humahangos kong Lolo.

"Ay manganganak na yata akooo", sigaw ng Mama ko.

"Aba'y hawag muna! Bukas ka pa papar-on ng Maynila, 'di ga?" natatarantang awat ng aking Lolo.

Sa Manila talaga naka-schedule manganak ang Mama at bukas talaga dapat sila luluwas. Hay! Bakit ba naman kasi excited na akong lumabas? A na A? As in atat na atat? Yohohohohoho. Kamusta naman ang layo ng Manila sa Lubang, Occidental Mindoro?

"Anong hawag muna ay hayto ngang lalabas na!" daing ng Mama ko.

"Tayka!" natatarantang sambit ng aking Lolo.

"Ay ano ga nangyayari dito?" natataranta na ring tanong ng aking Nana.

"Ay itong si Ilda! Manganganak na!"

"Anong manganganak na?" gulat na gulat na tanong ng Nana ko.

"Anong anong manganganak na? Si Ilda ikako, manganganak na!" ulit niya.

"Tricycle! Kumuha kayo ng tricycle! Tawagin ninyo si Sander!" natatarantang utos ng aking Nana. "Ngay-on ka na namin dadalhin sa Maynila", baling niya sa Mama.

Hmm. . .Bakit tricycle? Sino si Sander? Adam Sander? Yohohohohoho! Tricycle. . .dahil medyo may kalayuan ang ospital sa amin. Hindi pa uso ang cellular phone nang iluwal ako sa mundo. . .so, kailangan pa ng isang Pontio Pilatong pupunta sa ospital at tatawag ng ambulansiya bago nila masundo ang aking Mama. Sander. . .siya ang aking tiyuhin na may-ari ng tricycle.

Malapit na malapit na sa airport ang sinasakyang tricycle ng Mama ko nang biglang. . .

Blag!

"Ha, Inaaa", palahaw ng aking Mama.

"Kaunting tiis na laang. Natatan-aw ko na ang eroplano", pagpapalakas-loob ng Nana ko.

"Ang baby. . .lumabas naaa", naiiyak sa tuwang sambit ng aking Mama. Dumiretso sila. . .ah este kami pala sa ospital na malapit lang sa airport.

November 16, 1988, isinilang ang isang April Mariz Villamar-Herher.

What a name! So girly pero nagpapasalamat na rin ako na 'yan ang pangalan ko. Sabi kasi nila, dapat daw Tricia o kaya nama'y Tricykela. Puwede rin daw Alexandria dahil ito diumano ang pangalan ng tricycle na pinagluwalan ng aking Mama.

Tricia Herher?

Tricykela Herher?

Alexandria Herher?

Nah, I think April Mariz sounds better.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon