Quiz Bee

9.6K 163 18
                                    

aba'y piho – oo naman

adi – eh 'di

ahin – akin

bahin – bakit

ga - ba

hawag – huwag

hay-un - there

kunsukat naman – ayoko nga

laang – lang

magkabihira – mabulilyaso

malaan - malaman

manggumanda – sobrang ganda

masama – pangit

nakakaiyamot – nakakainis

Nana – Lola

paiswad – matambok

pamihado – sigurado

tayka – teka

"Anak, galingan mo ah! Hawag kang kakabahan, i-enjoy mo laang", nakangiting paalala ng aking Mama. Kasali ako sa National Quiz Bee, isa ako sa mga pambato ng aking paaralan. Spelling ang category na aking sasalihan.

"Ano ka ga naman, Mama? Ay sa talinong ito ng panganay mo eh? Aba'y pamihadong sisiw iyang mga iyan", ang tinutukoy ko ay mga kapwa ko Grade VI students na nagmula pa sa iba't-ibang paaralan.

"Pakagaling, aba! Hawag kalimutang magdasal."

"Ay kunsukat naman", tanggi ko.

At dahil sa likas na kayabangan, easy round pa lang, tanggal na ako. Yohohohohoho. Ang taray, 'di ba? Digital ang karma!

"Aba'y ano gang bilis para? Tapos na ga agad iyon?" gulat na gulat ng tanong ng Mama ko paglabas ko ng room na aming pinag-exam-an.

"Nadaya ako", nagmamaktol kong sumbong.

"Ay bahin eh?" tanong niya.

"Ay paano nga. . .na-distract ako sa katabi ko. Manggumandang babae", reklamo ko.

"Ay crush mo ga?" panunukso niya.

"Hindi! Siya ang may crush sa ahin! Sobrang siyang nagpaganda nang malaan niyang ako ang katabi niya. Nakakaiyamot!" ngusung-nguso kong sumbong.

"Adi sa susunod, sa masamang babae ka na laang tumabi", natatawa nitong pang-aasar.

"Hmp!"

"Hindi pa ga pala tayo uuwi?" tanong niya. "Ililibre kitang merienda sa ma-Tita Nova", tukoy niya sa kantinang malapit sa pinagtatrabahuhan niya.

"Tayka laang, Mama, aantayin ko muna iyong magandang babae", pigil ko. "Tatanungin ko laang ang pangalan."

At dahil may pagkakunsintidora ang aking pinakamamahal na Ina, sinamahan niya akong maghintay.

"Mama! Hay-un! 'Yong paiswad ang puwet", turo ko.

"Ah! Ay iyon ga? Anak iyon ng Tita Ella, taga-Tagbac, nagtatrabaho sa munisipyo."

"Kilala mo, Mama?" napayakap ako sa kanya sa labis na tuwa.

"Aba'y piho", tila kinikilig niyang sagot. "Lalapita mo pa ga?" tanong niya.

"Hawag na", tanggi ko. "Baka magkabihira pa, susulatan ko na laang. Pakibigay, Mama, huh?" pagmamakaawa ko.

"No problem", walang pagdadalawag-isip niyang sagot.

Hay! I so love my Mom. She's like a best friend to me. Siya na yata ang pinaka-cool na Mom na nakilala ko. Sobrang saludo ako sa kanya. Imagine, two years old pa lang ako at kapapanganak pa lang ng Mama ko kay James (my younger brother) nang sumakabilang bahay ang Papa ko. Yes! Sumakabilang bahay, as in BAHAY! Single parent siya pero napalaki niya kami ng maayos ng kapatid ko katuwang ang aking Nana at Lolo. Well, nando'n na tayo, talagang may pagkakunsintidora nga siya pero I must say, kunsintidora in a good way. Inaamin ko, talagang may kayabangan ako pero never akong nag-take advantage sa kabaitan ng Mama ko. At ang isa pang nakagugulat na revelation, tungkol sa 'kin. . .ipinanganak ako sa tricycle. Yes, hindi sa tatlo kundi sa isang TRICYCLE. Yohohohohoho!

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon