adi – eh 'di
ari – puwede
ay awan ko sa iyo – ewan ko sa 'yo
ga – ba
gan-on – gano'n
hawag – huwag
laang – lang
"Hmm", sabay turo sa 'kin ni Pinky.
"Me?" nanghuhula kong tanong.
"Mmm-hmm", nakangiti niyang sagot sabay senyas na parang si Andres Bonifacio na susugod sa mga kalabang mananakop habang nakataas ang kanang kamay.
"Ano 'yan?" nagtataka kong tanong.
At inulit na naman niya ang sinesenyas niya.
"Laban?" muli kong hula.
"Stella Maris School is an English speaking campus", tila Principal na sabi ni Pinky.
Gayang-gaya niya ang principal namin. Sobrang dami kong tawa. Ang mas nakakatawa pa, habang sinasabi niya 'yon, sobrang seryoso ang mukha niya.
"Fight?" natatawa kong tanong.
"Mmm!" iling niya.
At inulit na naman niya ang pagsuntok sa hangin habang nakataas ang kanang kamay. This time, para na siyang si Tarzan na sinusuntuk-suntok ang dibdib niya.
"Lakas ng loob?" sakay ko sa trip niya.
"Stella Maris School is an English speaking campus", ulit niya.
Yohohohohohohohohohohohohohohohohohohohoho! Sobrang dami ko na namang tawa.
"At talagang ang lakas ng loob mong suntok-suntukin ang dibdib mo ah", natatawa kong sabi kay Pinky. "Kasi wala namang tatamaan, flat na flat", pang-aasar ko.
Isang masamang tingin ang isinagot niya. Okay, I got it. Hindi siya natuwa sa joke ko. Nasaktan siguro. Sabagay, truth hurts. Yohohohoho!
"Wait! Courage!" pigil ko kay Pinky nang aktong magwo-walkout siya.
Isang tuwang-tuwang thumbs up ang isinagot niya.
"Approved?" tanong ko.
"Ay awan ko sa iyo! Ang ibig kong sabihin, tama ang courage na sagot mo", kamot-ulo nitong reklamo.
"Ay!" natatawa kong sambit. "Tao laang! Um, me, courage", dugtong ko.
"Ratatatatatat!" sabi ni Pinky habang tila namamaril.
"Bang bang?" kunot-noo kong tanong. "Me, courage, bang bang?"
"Eh!" nakasimangot nitong sagot.
"Mali?"
"Ting!" nakangiti niyang sagot.
"Tama na mali?" naguguluhan kong tanong.
"Hiyah! Hiyah!" sabi ni Pinky na tila nang-e-espada.
"Me, courage, bang bang, Samurai X?" nawiwirduhan kong tanong.
"Ay ano ga namang slow nito?" reklamo niya.
"Ay ari mo namang sabihin, may paganyan-ganyan ka pa", balik kong reklamo.
"Actions speak louder than words", sabi ni Pinky.
"Ay magbigay ka ga naman ng clue eh!"
"Ano ga ginagawa kapag nagbabarilan at nag-e-espadahan?"
"Killing each other?" tanong ko.
"Ay ano ga namang morbid nito?" napapakamot sa ulo nitong reklamo.
"Kunwari nagsusuntukan tayo, anong ginagawa natin?"
"Fighting?"
"'Yan! Tanggalin mo ang –ing!"
"Fight."
"Ay kung ganyan ka nang ganyan adi magkakasundo tayo", biglang umaliwalas ang mukhang sabi ni Pinky.
"Me, courage, fight. . ."
"Um!" sabay turo ni Pinky sa kanyang sentido.
"Think?"
"Ting!" nakangiti niyang sagot.
"Um!" sabi ni Pinky sabay pagpag ng kanyang kanang kamay.
"Hand?"
"Hay naku!" nakasimangot na kamot ni Pinky sa kanyang ulo. "Ano ang kabaligtaran ng left?"
"Right."
"Hmm", sabay turo ni Pinky sa 'kin.
"Me again?" tanong ko.
"Mmm-hmm", nakangiti niyang sagot.
"Um!" nakangiting sabi ni Pinky habang nakaturo sa puso.
"Heart?"
"Tama!" ngiting-ngiti niyang sagot.
"Next?" tanong ko kay Pinky.
"Tapos na", sagot niya.
"Me, courage, fight, think, right, me again, heart?" kunot-noo kong tanong.
"Oo."
"Ano 'yon?"
"Isipin mo", nakangiti nitong sagot.
"I don't get it."
"Yes, you do", sagot niya. "Hawag mo ga akong ini-English at nahahawa ako eh", natatawa nitong reklamo.
"Ay ang sabi mo'y Stella Maris School is an English speaking campus", balik-reklamo ko.
"Si Mrs. Tejoso laang ang may pakana noong gan-on", pabulong na tukoy ni Pinky sa Principal namin.
"Ay tapos ka! Isusumbong kita!" pagbabanta ko.
"Hawag ga eh", pigil nito.
"Ay ano na nga ang ibig sabihin ng mga pinagsesenyas mo?"
"Ikaw mismo sa sarili mo ang makasasagot niyan", matalinhagang sagot ni Pinky.
Nakalulungkot isipin na kailangan pa palang mawala ni Pinky bago ko makita ang sarili ko the way she sees me. 2005 nang sabihin niya ang mga katagang 'yan. 2005 na wala ako ni katiting na idea na mawawala siya. 2005 na nagpasya kami na kahit na may sari-sarili na kaming pamilya, hinding-hindi pa rin namin iiwan ang isa't-isa. 2005 na hawak kamay naming tutuparin ang pangarap ko na pangarap din niya.
It took five years bago ko ma-gets ang mga pinagsesesenyas niya. February 1, 2014. Grand finals ng It's Showtime's That's My Tomboy, I had the same question nang i-announce nina Billy Crawford, Karylle, at Vice Ganda na ako ang kauna-unahang Grand Winner. I asked myself, then. "Am I deserving?" Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag-flashback sa isip ko ang pinapahulaan sa akin ni Pinky dati na, "Me, courage, fight, think, right, me again, heart." At mas lalong hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagkaroon ng kasagutan. Maaaring hindi pero maaari ring ang ibig sabihin ni Pinky sa mga katagang 'yon ay, "Yes, you are deserving because YOU have the COURAGE to FIGHT for what you THINK is RIGHT and YOU have this thing called HEART."
BINABASA MO ANG
My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey Herher
Storie d'amoreMarami ang nagtatanong. . . "Sino ba si Pinky?" "Kaanu-ano mo si Pinky?" "Ano ang ikinamatay ni Pinky?" "Bakit wala kang ibang bukambibig kundi Pinky?" Well, let me tell you our story. . . https://www.youtube.com/watch?v=uzwbhkq75J0&feature=youtu.be...