Question and Answer Portion

685 13 2
                                    

At ang sampu ay naging lima. Yeah. Libo-libo kaming nag-audition, daan-daan kaming nagpatagisan ng four months on national television, thirty-nine kaming nakapasok sa Grand Finals, sampu kaming nagpakita ng talento sa pag-awit at sa pagsayaw, lima na lang kaming sasagot ngayon sa Q and A, at isa maya-maya lamang ang mag-uuwi ng title.

Lalong nadagdagan ang kaba ko nang bumaba si Direk Bobet sa stage at kausapin kami off-air.

"Congratulations to our Top Five! Kayo ang limang mapapalad. Kalimutan na natin ang talent, wala na tayong pakialam kung sino ang magaling kumanta, wala na tayong pakialam kung sino ang magaling sumayaw. Kalimutan na natin ang papogian. Wala na tayong pakialam kung sino ang may pinakamagandang smile. Wala na tayong pakialam kung sino ang may pinakaastig na style. Pagalingan na ng sagot ang labanan. When you hear the question, pause muna. I-analyze n'yo muna. Huwag sagot agad tapos palpak. I don't care kung five seconds or ten seconds kayong nakahinto basta siguraduhin ninyong maganda ang magiging sagot ninyo. Good luck, guys. Make us proud."

Phew! That should be pampalakas ng loob message pero kanina nanganak lang pero ngayon nagkaapo na sa tuhod ang kaba ko. Yohohohoho!

"Okay, guys! Air na po tayo in sixty seconds", nakangiting announcement ng staff.

Iisa lang ang magiging katanungan sa Q and A na sasagutin naming lima. Oh, 'di ba? Kaloka! Sinuotan kami ng headset na abot yata sa talampakan ko ang sound sa sobrang lakas. Pangatlo akong sasagot. And while waiting for our turn to answer, lahat kami nakatalikod. Wala kaming idea sa nangyayari sa likod namin. Malalaman na lang namin na kami na pala ang sasagot kapag nilapitan na kami at ginuide sa gitna ng stage ng nakatalaga sa aming Showtime Dancer. Habang wala pang lumalapit sa 'kin, pumikit ako, at ang malakas na sound sa headset ay natalo ng tibok ng puso ko. Tibok ng puso na hindi kabado. . .tibok ng puso na kalmado.

"Pinky Labs, alam kong nandito ka. Alam kong tutuparin mo ang promise mo na every time na magpe-perform ako, nasa front seat ka."

Hanggang sa naramdaman ko ang dalawang kamay na nagtanggal ng headset ko. Ang kanina lang na Dug! Dug! na naririnig ko ay napalitan ng hiyawan ng mga tao.

"Ang mga fans ni Epey, nagsisigawan na", nakangiting bati ni Billy Crawford habang gina-guide ako ng isang Showtime Dancer papunta sa gitna ng stage.

"Best in T-boom Style ang special award niya", sabi ni Karylle.

"Isa rin siya sa mga darling of the crowd. . ." komento naman ni Vice Ganda.

"Oo", nakangiting salo ni Karylle.

"Crowd favorite", muling sabi ni Vice Ganda.

"Inaayos ko lang, lumalabas 'yong tali", sabi ni Billy Crawford habang may kung anong inaayos sa headband ko.

"Taray. . .para siyang model ng ano. . ."sabat ni Vice Ganda. "'Yong ano. . .'yong. . .Mama, I feel hot".

At nagtawanan ang mga tao. Yohohohohoho!

"Ano 'yon? Ano ba 'yon?" ayaw paawat na tanong ni Vice Ganda.

"'Yong gano'n?" sakay naman ni Karylle.

"Cool Fever", nakangiti kong sakay sa pang-ookray sa 'kin.

"Ano nga?" nakangiting baling sa 'kin ni Karylle.

"Cool Fever", ulit ko.

"Cool Fever", ulit ni Karylle. "'Yong nilalagay dito?" turo nito sa kanyang noo.

"Cool Fever", banat ni Vice. "Mama, I feel hot. . .eh kasi nga wala tayong aircon."

At muling nagtawanan ang mga tao. At muling yohohohohoho!

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon