adi – eh 'di
ahin – akin
ari – puwede
bahin – bakit
ga – ba
hala – sige
kunsukat ka naman – bahala ka sa buhay mo
laang – lang
mag-ga-gab-i – maggagabi
mangkagala – sobrang gala
nakukulang – nasisiraan ng bait
nalaan – nalaman
naparito – nagpunta rito
ngay-on – ngayon
"Adi ga taga-Bayan ka?" tanong ni Pinky.
"Oo", sagot ko.
"Kaya ka laang naparito sa Tagbac ay para ikutan si Zyra?"
"Oo", muli kong sagot.
"Aba ay nakukulang", napapailing nitong tugon.
Bumukas ang pinto. Iniluwa ng pintuan ang napakagandang nilalang.
"Pinky?" gulat na sambit ni Zyra nang makita niya kami sa harap ng bahay nila. . .si Pinky lang pala. Nasa terrace siya. "Adi ga't ikaw iyong katabi ko no'ng Quiz Bee?" nakangiti nitong baling sa 'kin.
OMG! OMG! She remembers me!
"Anak ka ni Mrs. Herher, 'di ga?" nakangiti niyang tanong.
Gusto kong sumagot ng "oo" pero walang lumalabas na salita sa aking bibig, tila yata namanhid.
"Siya nga", sagot ni Pinky.
"Pasok kayo", nakangiting yaya ni Zyra.
Gusto kong paunlakan ang paanyaya niya pero ayaw humakbang ng aking mga paa.
Napansin yata ni Pinky ang paninigas at pamumutla ko. "Ay hala! Pauwi na rin kami eh, binisita laang ako nitong best friend ko", mahina niyang hampas sa aking balikat sabay ngiti.
"Ay hala", nakangiting tugon si Zyra.
"Zyraaa, anak!" boses ng babae galing sa loob ng bahay nila.
"Ay siya, sige. Tinatawag na ako ng ahing Nanay. Ingat kayo", muli siyang pumasok sa pintuang nilabasan niya kanina.
Nang wala na ang magandang nilalang, bigla akong natauhan.
"Ano sinasabi mong best friend kita eh?" tanong ko kay Pinky.
"Adi ga't mag-best friend na tayo?" nakangiti niyang balik-tanong.
"Bahin kita magiging best friend ay ngay-on laang kita nakilala?"
"Dahil ako laang naman ang dahilan kung bahin mo nalaan ang bahay nina Zyra."
"Kahit naman sino, ari kong pagtanungan", nakanguso kong reklamo.
"Ay kaya nga. Madami ka ngang aring pagtanungan pero ako ang nakita mo sa daan. Adi ang ibig sabihin, nakatadhana talagang magkakilala tayo."
"Ay paano nga'y mangkagala mo."
"Mag-ga-gab-i na pala. Ay magaling pa'y ihatid mo na ako sa amin. Baka hinahanap na ako ng ahing Ama't Ina", pag-aalala niya.
"Kunsukat ka naman", tanggi ko.
"Ay ang sabi mo kanina'y umangkas na ako sa iyo", pagpapaalala niya.
"Kanina 'yon. Nagbago na isip ko." At pinaharurot ko na ang scooter. Uuwi na ako sa 'min. Tumingin ako sa side mirror, nakita ko si Pinky. Gusto ko siyang balikan. Gusto kong magpasalamat pero dahil may kasamaan ang ugali ko, iniwan ko siyang mag-isang nakatayo sa harap ng bahay nina Zyra.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceMarami ang nagtatanong. . . "Sino ba si Pinky?" "Kaanu-ano mo si Pinky?" "Ano ang ikinamatay ni Pinky?" "Bakit wala kang ibang bukambibig kundi Pinky?" Well, let me tell you our story. . . https://www.youtube.com/watch?v=uzwbhkq75J0&feature=youtu.be...