Ang Nawawalang CD

3K 93 8
                                    

adi – eh 'di

ga – ba

hawag – huwag

hintay ka – teka

laang – lang

naito – nandito

paglibak – panlalait

"Pinky Labs!"

"Oh?"

"Ang CD ko. . ." namumutla ang mukhang pagbabalita ko kay Pinky.

"Ano ang CD mo?" natataranta na rin nitong tanong.

"Pinky Labs! Ang CD ko! Nawawala ang CD ko!" naiiyak na ako habang binabanggit ang mga katagang iyon.

"Ay ano gang nawawala? Baka naiwan mo sa inyo. Hintay ka't pupuntahan ko", suhestiyon ni Pinky sabay talikod sa 'kin.

"Pinky Labs!" pigil ko sa kamay niya. "Dinouble check ko 'yon kanina, naito sa bag ko."

"Ay itaktak mo kaya ang bag mo", mungkahi niya.

I did what she just said.

"Pinky Labs, siguro sign ito na hawag na akong lumaban", pinaghihinaan ng loob kong sambit.

"Hindi!" mariin niyang tanggi. "Ito na ang chance mo para mapalitan ng palakpakan at paghanga ang pagtawa at paglibak nila sa 'yo noon", seryoso ang mukhang dugtong ni Pinky.

"Siguro may mga bagay talagang hindi na kailangang ipagpilitan pa", mahina kong bulong na narinig pala niya.

"Sinabi kong mananalo ka kaya mananalo ka! Walang maaaring kumontra."

"May problema ga?" tanong ng batch mate namin na isa sa mga makakalaban ko sa naturang singing contest.

"Wala!"

"Nawawala ang CD ko", magkasabay ngunit magkaiba naming sagot ni Pinky kay Desiree.

"Ano ga kakantahin mo?" tanong nito na hindi pinansin ang pagsusuplada ni Pinky.

"Open Arms", sagot ko.

"Adi tamang-tama pala. Kanta rin ni Mariah Carey ang kakantahin ko. May Open Arms din ako. CD ko na laang ang gamitin mo", nakangiting mungkahi ni Desiree.

"Panlalaking version ng Open Arms ang kakantahin ko", malungkot kong sagot. "'Yong sa Journey", dugtong ko.

"Halos pareho rin naman eh. Wala naman halos pinagkaiba", sabi ni Desiree.

"Lahat ng tao alam na magkaiba ang version ng lalaki sa version ng babae", mataray na sabi ni Pinky.

"Adi hawag! Kayo na nga laang ang tinutulungan eh", mas mataray na sagot ni Desiree.

"Unang-una, thank you! Pangalawa, hindi namin kailangan ang tulong mo", ayaw-paawat na sabi ni Pinky.

"Stop it, Pinky!" awat ko sa kanya. "Salamat, Desiree. Kapag hindi namin nahanap ang CD ko, pahiram ng sa 'yo ah", baling ko sa mortal enemy ni Pinky.

"Alam mo, wala talaga akong tiwala sa hilatsa ng pagmumukha ng babaeng 'yan", sabi ni Pinky pagkaalis na pagkaalis ni Desiree.

"Tumigil ka nga, nagmamagandang-loob na nga laang 'yong tao eh", pagtatanggol ko.

"Nagmamaganda. Period. Nagmamaganda laang", nakasimangot na sagot ni Pinky.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon