adi – eh 'di
ahin – akin
apay – parang
ay hayai na – hayaan mo na
bahin – bakit
ga – ba
hayto – heto
kasama – kapangit
kinahig ng manok – hindi maintindihan
laang – lang
sinumul-an – sinimulan
"May surprise ako sa 'yo", tuwang-tuwang pagbabalita sa 'kin ni Pinky isang umaga.
"Ano 'yon?" medyo na-curious kong tanong.
"Ay pumikit ka ga muna eh", reklamo niya.
"Hayto na", napipilitan kong sagot.
Pagmulat ng aking mga mata. . .
"Ano ito?" nakangiwi kong tanong.
"Adi bookmark", nagmamalaking sagot ni Pinky.
"Alam kong bookmark. . .ay bahin ganito ang sulat eh?" dismayado kong tanong.
"Vote! April Mariz V. Herher for Secretary
F4
F-air
F-ear in God
F-air in all our
F-ellow students"
"Adi ga't tama naman?" medyo na-confuse niya na ring tanong.
"Tama nga. . .kaya laang", pagdadalawang-isip ko kung itutuloy ko pa ba o hindi ang sasabihin ko.
"Kaya laang?" naghihintay na tanong ni Pinky.
"Um. . .ay ano. . .bahin ganito kasama ang sulat eh?" natatawa kong tanong. "Adi ga't Secretary ang tinatakbuhan ko? Ay paano ako iboboto kung apay kinahig ng manok itong ipinamimigay mo?" tukoy ko sa bookmark na sigurado akong pinaghirapan niyang gawin. "Sobrang cute naman talaga. . .colorful. . .appealing. . .pero hindi laang talaga masyadong kaaya-aya ang sulat-kamay", nag-aalinlangan kong dugtong.
"Ay paano iyan?" nag-aalalang tanong ni Pinky.
"Bahin?" mas nag-aalala kong tanong.
"Mahigit isang daang piraso na ang naipamigay ko."
"Namigay ka na?!" gulat na gulat kong tanong.
"Oo, sinumul-an ko na ang ahing pangangampanya", pagbabalita niya.
Ang tanging nasabi ko na lang ay, "Ay hayai na."
"Hindi ka galit?" nag-aalala nitong tanong.
"Ay bahin ga ako magagalit? Dapat nga magpasalamat pa ako eh. Hirap kayang gumawa ng bookmark. Ni hindi nga ako makaisa eh. . .tapos. . .nakaisang daan ka?" mula sa puso kong puri sa ginawa niya. "Thank you, Pinky Labs", nakangiti kong sambit sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
"Wala 'yon! Basta ikaw, nanginginig pa", nagba-vibrate na sagot ni Pinky.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceMarami ang nagtatanong. . . "Sino ba si Pinky?" "Kaanu-ano mo si Pinky?" "Ano ang ikinamatay ni Pinky?" "Bakit wala kang ibang bukambibig kundi Pinky?" Well, let me tell you our story. . . https://www.youtube.com/watch?v=uzwbhkq75J0&feature=youtu.be...