adi – eh 'di
ga – ba
hana ga eh – sige na, please
"Alam mo ga ginawa ko kahapon nang nag-walkout ako?" natatawang tanong ni Pinky.
"Inantay mong sumunod ako?" nanghuhula kong tanong.
"Oo", biglang napawi ang ngiti sa kanyang mga labi ng maalala ang eksena kahapon. "Pero may ginawa pa akong iba", muling umaliwalas ang mukha niya. Ang bipolar, 'di ba?
"Ano?" naiintriga kong tanong.
"Nagpunta ako sa Health Corner", nakangiti nitong pag-amin.
"Health Corner?" tanong ko na hinahanap ang connection ng pagwo-walk-out niya sa pagpunta niya sa Health Corner.
"Oo", ngiting-ngiti nitong sagot.
"Tapos?" nabitin kong tanong.
"Tapos na."
"Adi uwian na. . ." hindi ko pagsakay sa trip niya.
"Ay kulitin mo ga ako eh", paglalambing nito.
"Ay tinatanong ka nga kung ano ang ginawa mo sa Health Corner eh", reklamo ko. "Tapos, sasabihin mong. . ."
"Adi 'yon", putol niya sa sinasabi ko.
"Anong 'yon?"
"Eh. Basta 'yon", pambibitin nito.
"Fine. I'm outta here", akmang tatalikod na ako pero bigla niya akong pinigilan.
"Fine porcupine", sabi niya pagharap ko.
"Anong ginawa mo sa Health Corner?" straight face kong tanong.
"Eh. . ." tanggi niya.
. . .
"Ay tatawa ka eh", pagmo-monologue niya.
. . .
"Sabihin mo munang hindi ka tatawa", pangungulit ni Pinky.
"Ay ano gang tatawa ay hindi mo pa nga sinasabi?"
"Mag-promise ka muna. Hana ga eh", paglalambing niya.
"Hindi ako tatawa."
"Promise?" tanong niya.
"Promise", sagot ko.
"Eh. . .mag-pinky promise ka", pangungulit nito.
"Pinky promise", sabi ko sabay abot ng aking pinky finger kay Pinky Taneca-Tagoy.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey Herher
RomanceMarami ang nagtatanong. . . "Sino ba si Pinky?" "Kaanu-ano mo si Pinky?" "Ano ang ikinamatay ni Pinky?" "Bakit wala kang ibang bukambibig kundi Pinky?" Well, let me tell you our story. . . https://www.youtube.com/watch?v=uzwbhkq75J0&feature=youtu.be...