The Voice Audition

617 11 0
                                    

aayaw ko – ayoko

adi – eh 'di

ga – ba

gagaw-in – gagawin

hay-an – 'yan

nakanta – kumakanta

"May audition daw sa The Voice", masayang pagbabalita ng pinsan kong si O'Neill.

"Oh, anong gagaw-in?" walang kagana-gana kong tanong.

"Adi sumali ka", pang-uuto nito.

"Aayaw ko."

"Su. Ma. Li. Ka."

"A. A. Yaw. Ko. Nga."

"Adi ga't gusto ni Pinky na nakanta ka?"

Pinky. My Pinky. Halos mag-a-apat na taon na rin ang nakalilipas pero sariwa pa rin ang sugat. Nagdurugo pa rin ang puso ko sa tuwing nababanggit ang pangalan niya. Kamusta na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya? Gusto ko ulit siyang makita. . .kahit sa panaginip lang. . .kahit saglit lang. . .kahit isang sulyap lang. . .

"Hay-an na! Nakapag-auditon ka na!" putol ni O'Neill sa pag-e-emote ko.

"Bahala ka sa bu. . ." natigilan ako sa pagsasalita nang makita ko sa screen ng laptop ang cover video ko ng "Someone Like You" na in-upload niya sa site ng The Voice.

"Auditioned", nakangiti pero seryoso nitong pang-aasar. "Don't be G. R. R. R."

Well, I'm not. Hanggang sa heto na. . .akala ko, biro lang ang lahat. . .pero totoo na pala. Nakita ko na lang ang sarili ko sa libo-libong taong nakapila sa harap ng audience entrance ng ABS-CBN. Is this for real? Totoo bang mag-o-audition ako? Pinky Labs, is this the right thing to do?

"Tell us your name, your age, and where you came from", sabi ng isang hindi naman nakakatakot na nilalang pero nagpapangatog ng buo kong kalamnan.

"H-hi. I'm April Mariz Villamar-Herher, twenty-three years old, from Lubang, Occidental Mindoro."

"So, what are you singing?" walang kangiti-ngiti sa labing tanong ng lalaking tila si Simon Cowell.

"I'm singing Kate Bush's Running Up That Hill.

"Okay. Start singing."

"Pinky, hear me", mataimtim kong dalangin.

It doesn't hurt me

Do you wanna feel how it feels?

Do you wanna know, know that it doesn't hurt me?

Do you wanna hear about the deal that I'm making?

You

It's you and me

And if I only could

I'd make a deal with God

And I'd get him to swap our places

Be running up that road

Be running up that hill

Be running up that building

See if I only could, oh. . .

Phew! Sampu kaming auditionees sa maliit na kuwarto. Pang-sampu ako at ang siyam na nauna sa 'kin,nakakaisang linya pa lang ng kanta, pinapatigil na. Akalain mong nakaabot ako sa Chorus? Thank you, Lord!

"May alam kang Tagalog song?" nakangiti na nitong tanong.

"Oh, shit! Shit! Shit! Hindi ako prepared", bulong ko sa sarili.

Na tila narinig ng lalaki sa harapan ko. "Excuse me?"

"N-narda. . .Narda po", nabubulol kong sagot na nagpakunot ng kanyang noo. Eh anong magagawa ko? Narda ang unang pumasok sa isip ko.

"Ng Kamikazee?"

"O-opo, ng Kamikazee."

At pinarinig ko sa kanila ang acoustic version ko ng Narda. Wala siyang kahit na anong sinabi pero nakangiti siya. Bago ako lumabas ng maliit na kuwarto, nilapitan ako ng assistant niya.

"For VTR na po kayo."

OMG! Seryoso?

Ang sabi ng kasabayan kong nag-audition, after daw ng VTR, tatawagan, tapos blind audition na. Ibig sabihin, kapag nakalusot ako, makakanta ko na sa harapan ni Sarah Geronimo ang ginawa kong kanta para sa kanya. Oh, 'di ba? Bongga!

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon