Sign

528 11 0
                                    

"God, the Father, hindi po talaga kaya ng katawan ko. Please, magmilagro po kayo", mataimtim kong dalangin. "And bigyan po sana ninyo ng sign. . .kung okay lang?" hesitant kong dugtong. "Anything po na makakapag-remind sa akin to be successful. Um. . .ito na po ba 'yon? Ito na po ang dahilan ng pagngiti ni Pinky sa panaginip ko? pagmo-monologue ko. Pampalakas lang po sana ng loob. Um. . .God, the Father, baka gusto po ninyong sumagot?" pagjo-jokologue ko.

Jokologue. Joke. Plus. Monologue. Yohohohohohoho!

Little by little, I'm feeling better. Medyo nakakatayo na ako at medyo nababawasan na rin ang proot proot ko. Aba'y akalain mo nga namang nakaabot pa ako sa studio? Phew!

Thirty-nine tomboys kaming maglalaban-laban, hindi naman siguro ako kawalan? I feel like backing out. Akala ko okay na ako pero heto na naman, feeling ko, malapit na akong mag-collapse. Spell lutang, E-P-E-Y.

Until I find myself staring sa karatulang nakalagay sa may bandang pasukan ng studio ng It's Showtime. It says, "It's Showtime Making People Happy". Hindi ko alam kung nahihilo lang ako pero the only letters I saw na hindi blurred is it's showtim E making Peopl E happ Y. I can clearly see my name. E-P-E-Y Ito na ba ang sign? Epey Herher, how can you make people happy kung ngayon pa lang sumusuko ka na?

"Uy, tahan na", alo ng isang staff ng It's Showtime sa isa kong co-contestant na umiiyak.

"Ayaw po kasing papasukin ng guard. . ."

"'Yong kasama mo? 'Di ba sinabi ko naman sa inyo na ipasa ninyo ahead of time ang names ng mga kasama. Paulit-ulit ko sa inyong sinasabi, 'di ba?"

Luha.

Pinky smiled.

Ito ba? Ito na ba?

"Herher, okay ka lang ba?" tanong ng mabait at paborito kong make-up artist habang inaayusan kami sa dressing room.

"Opo. Okay lang po ako", pagsisinungaling ko.

"Eh bakit ang tamlay mo? Saka ang putla-putla mo?"

"Datu Puti Suka po kasi ang inalmusal ko", pagbibiro ko.

"Naku! Galingan mo!" pagchi-cheer nito habang walang tigil sa paglalagay ng kung anu-ano sa mukha ko.

"In ten minutes, eere na tayo, guys! Baba na po lahat", humahangos sa pintuan na bungad ng staff.

Oh, my God! Oh, my God!

Natawag ko na yata ang lahat ng Santo sa sobrang kaba ako. At ang sampung minuto ay naging sampung segundo. I just went with the flow. Nawawala ang sama ng pakiramdam ko every time na pinapalakpakan ako ng mga tao.

Pinky smiled.

Argh!

This is hard!

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon