Most Embarrassing Moment

4.8K 121 9
                                    

adi – eh 'di

ahin – akin

ga – ba

hawag – huwag

magtatanong – tanong nang tanong

"Adi ga't sabi ko sa 'yo ay magaling akong kumanta?" pagyayabang ko kay Pinky isang araw. "Panoorin mo ako sa Linggo ng Wika. . .pakakainin natin ng abo ang mga kalaban", mahangin kong dugtong.

"Ay ano naman ang kakantahin mo?" nae-excite nitong tanong.

"Ay hawag ka na ga magtatanong eh. . ." reklamo ko. "Basta sisiguraduhin ko sa 'yong si Zyra na ang maghahabol sa ahin 'pag narinig ang boses ko. Saka ito ang kauna-unahang singing contest na sasalihan ko. . .tapos panalo agad, galing ano?" pagyayabang ko.

Kung ang tinig mo'y 'di naririnig

Ano nga bang halaga ng buhay sa daigdig?

Darating ba ang isang ngayon

At magbabago ang pahon

Kung ang bawat pagdaing ay laging pabulong?

Everyone's watching. The students, the teachers, the principal, our parish priest, the judges. . .pero iisang tao lang ang pinakagusto kong ma-impress sa 'kin. . .si Zyra.

Aanhin ko pa dito sa mundo

Kung ang bawat matang nakikitang 'di totoo?

May ngiting luha ang likuran at paglayang tanong ay kailan?

Bakit 'di natin isabog ang pagmamahal?

Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mukha nila.

Sundan mo ng tanaw ang buhay

Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay

Iisa lang ang ating lahi

Iisa lang ang ating lipi

Bakit 'di pagmamahal ang ialay mo?

Pang-unawang tunay ang siyang nais ko

Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan

Sa palad mo

"I knew it! I'm the best", pagmamalaking bulong ko sa aking sarili sabay ngiti ng punung-puno ng pagmamalaki.

'Di ba't ang gabi ay mayro'ng wakas?

Hmm mmm mmm mmm mmm mmm mmm mmm mmm

Hmm mmm mmm mmm mmm mmm mmm

Naloko na! Nakalimutan ko ang lyrics ng kanta!

Hmm mmm mmm mmm mmm mmm mmm mmm

Ang paghanga na kanina lang ay nakikita ko sa mga mukha nila ay napalitan ng PAGTAWA. Oh, no! Pinagtatawanan nila 'ko!

"Boooooooooooo!" kantiyaw ng isang estudyanteng lalaki.

"Aba'y ano ga 'yan?" kantiyaw ng isa pa.

Lalong lumakas ang tawanan nila. Nang mga oras na 'yon, gusto kong maglaho sa kinatatayuan ko. I looked at everyone. . .I looked at their faces, they were all laughing.The judges were laughing. . .the students were laughing. . .the teachers were laughing. . .pero meron akong isang mukha na nakita na hindi tumatawa. She looked so worried. . .and that. . .was Pinky. Of all people, si Pinky pa. Si Pinky pa na lagi kong inaaway. Si Pinky pa na lagi kong binabara. Si Pinky pa na hindi lumilipas ang isang araw na hindi ko inaasar.

Nag-walkout ako. Lalong lumakas ang tawanan ng mga tao.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon