Careless 12

921 78 17
                                    

Careless 12

FLASHBACK

Hirap na hirap malapitan ni Austine si Precious dahil kusang ito ang lumalayo sa kanya, lalong hindi rin niya matagpuan ang dalaga sa music school, pagtapos palaging ringing lamang ang kanyang naririnig sa tuwing tinatawagan ang dalaga. Nakuha niyang kumuha ng loads pahabol sa pagtatapos ng summer class para makasama lang niya si Precious.

"Sinong hinahanap mo?" pagtatanong ni Luke sa kanya.

"My student, si Precious, nag-enroll kasi siya for Sax-class," sagot ni Austine.

"Really? Baka gusto mo lang siya pare?"

"What? Anong sinasabi mo? She's not my type," pagsisinungaling nito.

"Huwag ka nang magmaang-maangan pare, nag-drop si Precious sa last three weeks lesson  niya kay misis Amelia," nginisian siya ni Luke.

"Okay," maikling sagot niya.

"Don't you ever touch Precious, kung ayaw mong magkaaway tayo. Kilala kita Austine," pagbababala nito.

"Don't worry, she's yours."

Nang makalayo si Austine sa building, binalibag niya ang hawak na notes. Hindi niya napigilan na mag-init sa sobrang inis kay Luke.

"Tang ina, bakit hindi ka ba nagpapakita sa'kin?!" galit na kinuha niya ang cellphone at sinubukan tawagan muli ang cellphone ni Precious.

******
Tulala ang dalaga at ilang araw na siyang hindi lumalabas ng kuwarto niya. Wala nang guards ang nagbabantay sa kanya pero wala na siyang gana na lumabas

"Araw-araw, si Lola lang ang kausap ko. Madalas parang espirito lang ako sa bahay. Lahat sila excited sa kasal ni Vanessa, pero hindi pa nila nakikilala sa personal si Austine. Ipapaubaya ko na lang nga talaga kay Vanessa si Austine. Malabo rin ang magiging relasyon namin kung ipagpapatuloy pa."

Naisipan niyang bumangon at lumabas upang kunin ang bike. Kung saan-saan dinala ng bisikleta ang dalaga, hindi niya inalintala kung mainit at masakit pa ang kamay niya. Lalong sasusunod na linggo na ang alay sa poon. Napatigil si Precious sa isang magbubuko at sinubukang bumili.

"Susubukan kong tikman kahit na sa kalye ito," bulong niya.

Inabot sa kanya ang ten pesos worth of buko juice.

"Wow! Seryoso? Umiinom ka ng buko sa kalye?"

Napatingin si Precious sa kaliwa at nakita muli si Babe. Inirapan ito ng dalaga at muling uminom ng buko.

"Taray! Sama pa rin ng ugali mo!" bulalas ni Babe.

"Inaano ba kita? Nananahimik ako rito," masungit na sagot ni Precious.

"O ito! Banana Q. Masarap ipartner sa buko juice 'yan," inabutan siya nito at pinagmasdan pa maigi ni Precious ang pagkain.

"Is this clean?"

"Nako Ma'am! Malinis pa 'yan sa pagkatao ko!" sabat ng tindero.

"Talaga?" aniya ni Precious at kumagat. Namilog ang mga mata niya at sabay uminom ng buko nang matikman ang Banana Q.

"Hala ang sarap pala! Salamat Babe!" sambit niya.

"Anong sabi mo?"

"Salamat kako!" singhal ni Precious.

"Wow! Marunong ka pa lang magpasalamat sa mga tulad namin!" aniya nito.

"Ofcourse, I know how to speak, and to say thank you," malditang sinabi nito.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon