Whisper 59
Maagang nagising si Austine kasama ang dalawang bata. Walang tigil sa paghikab si Phoebe at Archer dahil inaantok pa ang dalawa. Alas sais nang makaalis sila ng bahay. Pinuntahan nila ang lugar kung saan ang sinabing detalye ni Aiden kay Austine.
"Tito Father Aiden!" Sigaw ni Archer.
"Hello gwapong pamangkin!"
"Meet your heavenly Tito Aiden," giit ni Austine kay Phoebe.
"Hello po Panginoon," inosenteng sinabi ni Pheobe. Natuwa si Aiden dahil sa maamong mukha ni Phoebe.
"Pwede bang payakap din Phoebe?"
"Waa! You know my name!"
"Of course! May listahan ako ng mga anghel!" masayang sinabi ni Aiden.
"Kuya hindi mo bagay maging Pari! Lumabas ka na ng simbahan! Sisirain mo lang ang image nila," pagsingit ni Austine.
"Patawarin ka nang Panginoon," bulong ni Aiden at nagkrus pa ito.
"Asan ba si Arthur?! Tinatawagan ko ang mokong hindi naman sumasagot! Pinaka mahalagang bagay 'to sa buhay ko bakit wala siya! Ang daya niya!" paghihimutok ni Austine.
"Hayaan mo at nagpapakarami ng lahi. Ibawi niyo na lang ako dahil hindi ako mag-aasawa. Inimbitahan ko si nanay Luz, Babe at Jobert. Kayo-kayo lang naman para pribado. Wala rin alam si dad patungkol dito. Alam mo namn 'yon, mas dedemonyo pa kay satanas," pagbibiro ni Aiden.
Tawang-tawa si Aiden at Austine habang inaayos nilang dalawa ng venue. Simple garden wedding katulad ng kasal ni Arthur at Regine. Ayaw din niya ng magargo at kalat sa publiko ang kasal nila dahil hindi naman lahat ng tao ay interesado na makisawsaw sa buhay nila.
Makalipas ang ilang oras, dumating si Babe at Jobert pati na rin si nanay Luz. Sinalubong sila ng dalawang bata at humalik din ang mga ito.
"Nako napaka gwapo at ganda ng mga apo ko!" giit ni nanay Luz.
"Hindi mo naman sila apo nanay Luz!" pagbibiro ni Jobert. Nakatanggap naman ng sapok si Jobert sa nobya niyang si Babe.
"Ikaw panira ka nang moment! Hindi man siya lola by blood, lola by action naman!" bulalas ni Babe at tinali ang buhok ni Phoebe.
Nakuhang mabilib nila nanay Luz, Babe at Jobert sa mga iba't ibang anggulo na ipininta ni Austine para kay Precious. Isang artistic garden wedding ang naghihintay para kay Precious. Matapos ang ilang oras na preparasyon, nakuhang makapag-ayos ni Austine. Nakatingin siya sa harapan ng salamin at kinakausap ang sarii.
"Husband and Wife,mister and misis Lavigne. Damn it! I'm fucking nervous!" bulalas niya at binanat pa ang mukha gamit ang dalawang kamay.
Na gising si Precious nang malingat siya dahil sa sikat ng araw. Sa kanyang pagbangon, tanging mga huni ng ibon lamang ang kanyang naririnig. Wala si Austine sa kanyang tabi, hinanap niya ito at sumilip din sa kwarto ng dalawang bata. Wala rin ito at pumukaw sa kanyang atensyon ang isang puting paper bag at dalawang envelope. Lumapit siya rito at nakita binuksan ang sulat.
"Call me for taxi service."
Napangiti siya at binuksan ang paperbag. Laman nito ay isang white dress at flower crown.
"Wear me."
Tiningnan niya ang isa pang sulat at binuksan.
"Good morning my lady. Please, meet us now. We are waiting for you here. I love you so much Precious Lavigne."
~Austine.
Mas lalong napangiti si Precious nang makita pa ang sulat ni Archer at Phoebe na nakalagda rin sa papel.
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
RomanceAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...