Careless 17

913 69 14
                                    

Careless 17

FLASHBACK

Muling magkasama si Precious at Austine sa mall dahil sinamahan siya nito upang maghanap ng masusuot sa Chrurch event.

"Precious, hindi ba't December ang Immaculada? Bakit ngayon summer?" pagtatanong ni Austine.

"Alay sa poon sabi ni Lola, every summer may charity para sa mga orphanage. Lalo ang mga bata doon ay binibigyan din ng school supplies ni lola. Tapos pasasalamat sa patron immaculada na rin. Buti at alam mo ang pista niya?" pagtatanong ng dalaga habang namimili.

"Si Kuya kasi may kalendaryo sa bahay, lahat ata ng santo nandoon. Hindi ko rin siya maintindihan? Dati puro black metal asa kuwarto no'n tapos puro porn girls. Ngayon puro santo," aniya ng binata.

"Ah baka bagong buhay na."

May natipuhan na damit si Precious at pinakita niya ito kay Austine.

"Diyaan ka lang ha! Magsusukat lang ako!" giit ni Precious at tumakbo papasok ng dressing room. Isang minuto lamang ang lumipas at nakalabas na siya rito.

Napanganga ang binata dahil sa kanyang soot. Puti na bestida at litaw ang cleavage niya.

"Maganda pero ayoko," seryosong sinabi ng binata.

"Ang ganda ko! Mukha nga akong angel!" reklamo niya sa nobyo.

"Maganda ka talaga wala akong reklamo doon, pero sa suot mo, tiyak magkakasala ang mga sakristan kung makikita ang cleavage mo. Ayoko niyan,  makikita ng ibang lalaki. Ayaw, ayaw, ayaw," pagmamatigas ni Austine at patuloy na umiiling.

Napanguso si Precious at muling nagpalit ng damit. Sa kanyang muling paglabas, natawa siya dahil may inabot na damit si Austine sa kanya.

"Eh mas sexy ito ha?!" singhal niya.

"Mas gusto ko 'yan," pagkindat nito.

Sumunod na lang ang dalaga sa kanya at sinoot ito. Isang knitted fitted turtle neck at short sleeves na damit ang pinili ni Austine.

"Hanep at maganda ang taste!" wika niya at paikot-ikot sa harap ni Austine.

"Kaya nga girlfriend kita," muli siyang kumindat sa dalaga.

"Huwag kang mangindat! Para kang may sakit sa mata!"

Buong umaga na magkasama ang dalawa sa mall, pagkatapos ay ibinaba na siya sa guard house.

Sa kanyang pag-uwi sumalubong sa kanya ang isang matandang lalaki.

"Who is he?" pagtatanong ni Precious.

"Wala kang pakialam, hindi ba't paglandi lang ang alam mo?" aniya ni Vanessa at tinalukuran siya.

Nagpalit lamang ng damit si Precious at pupuntahan niya ng mag-isa ang kanyang lola.

Mabuti na rin at nag-drop na siya sa music class dahil mas magiging focus na siya sa kanyang lola upang makabawi.

"Lola!" masaya niyang pagbati at humalik dito.

Nakatingin lang ito sa kanya at hindi kumikibo ang matanda.

"Lola? Lola!"

Hindi napigilan ng dalaga na mapasigaw dahil nakita niya ang biglang pagpikit ng matanda at dumiretso ang  linya sa life support machine.

"Lola gising! Lola!"

Panay ang pindot ni Precious sa emergency button upang tumawag ng tulong sa mga Nurse at Doctor.

"Lola! Huwag mo akong iwan! Please!"

Dumating ang doctor at ilang nurse upang maagapan pa ang buhay ng matanda.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon