Whisper 51Walang tigil sa pag-iyak si Phoebe nang malaman niyang nasa ospital ang kanyang Ina. Sinundo siya ni Austine sa bahay nito sa Baseco at ngayon na nasa sasakyan ito at walang tigil sa pag-iyak.
"Gusto mo ba ng lollipop? Huwag ka nang umiyak, ayos lang naman ang Mama mo," aniya ni Austine at halos mabiyak na ang eardrums sa sobrang iyak ni Phoebe.
"Kawawa po si Mama! Ayaw ko po siyang nagkakasakit! Bakit po siya nasa ospital? Palagi na lang po siyang umiiyak."
"Palagi? Ngayon lang naman siya tinakbo sa ospital diba?" tanong ni Austine habang siya ay nagmamaneho.
"Hindi po, suki po si Mama sa ospital. Kahit i-check niyo pa po ang track record niya sa Las Palmas hospital. Sabi po ni Nanay Luz, kahit po noong pinagbubuntis niya ako pati ni Kuya Agustus, palagi po siyang nahihimatay.
"Napapreno si Austine dahil sa mga sinabi ni Phoebe sa kanya. Nilingon niya ang bata at nagpupunas ito ng luha habang nakatitig sa kanya.
"Kuya? What do you mean?"
"Namatay po 'yon. Kapapanganak lang po ni Mama, hindi niya po nayakap si Kuya. Sobra pong iyak ni Mama kasi po first baby daw niya po 'yun sa boyfriend niyang pogi, sabi ni Tito Jobert."
Nagsitaasan ang balahibo ni Austine at para bang naglabo-labo ang kanyang utak sa mga nalaman na impormasyon. Ilang sandali at nakuha nilang marating ang ospital. Naabutan nilang gising si Precious at nakatulala lamang ito sa ceiling.
"Are you okay? You look bothered?" Austine asked.
"Anak ko!" Bulalas niya at hindi sinagot si Austine.
"Mama, akala ko ano na naman nangyari sa'yo! Huwag niyo po ako iiwan ha! Baka po sumama ka kay Agu--" tinakpan ni Precious ang bibig ni Phoebe at nagkatinginan sila ni Austine.
"Kanino ka sasama?" tanong ni Austine.
"Ah wala 'yon. Madaldal lang ang anak ko, sumasama kasi ako sa mga kaibigan ko."
Kunot ang noo ni Phoebe at hindi niya maintindihan ang kanyang Ina.
"Precious, pwede ko bang isama si Phoebe? Bibili lang kami ng ice cream?"
"Sure, ingatan mo ang anak ko ha!" pagbabala niya.
Binuhat naman ni Austine si Phoebe dahil nakita niyang hirap ito sa paglalakad.
"Kailan pa namatay ang Kuya mo?" Austine asked.
"Seven years ago po, alam niyo po ba. Kung nabubuhay siya, kasing edad niya po si Archer! Kaya nga po gusto kong kalaro si young master!" giit nito at nginitian siya ni Phoebe.
"Oh, you have a mole in your nose too?" laking gulat niya nang matutok ang mukha nito sa kanya.
"Oh yeah! Oo nga po pala! Ang bait ng Daddy niyo!"
"What? Paano mo nasabi? My Dad is a monster."
"Hindi po! Kanina po sa mall. Binili niya po kami ng isang bigcart puro pagkain po. Hindi ko pa nga po nasasabi kay Mama. Ang gwapo rin po ng Papa niyo. Nakita ko rin po si Archer."
Natawa siya dahil sa kadaldalan ng batang kasama niya. Pinagmamasdan din niyang maigi ang mukha nito. Hindi rin mawala sa utak niya ang Kuya ni Phobe pati na ang pagkakapareha nila ng nunal sa ilong.
"Pwede mo bang ipakilala sa'kin ang Kuya mo?" he gently asked and Phoebe nodded.
"Sure let's go!"
******
Patingin-tingin si Precious sa relo dahil ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa bumabalik si Pheobe pati na si Austine. Hindi niya alam kung paano niya papakalmahin ang sarili. Ipinikit niya ang mga mata at muling nakaramdam ng pagkakahilo.
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
RomanceAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...