Whisper 43
Nakuha nang makalabas ng ospital ni Phoebe at Nanay Luz, ngayon na si Babe ang nagbabantay sa mga ito. Alas Sais ng umaga at nakuhang ipasundo si Precious sa isang matanda, nakita niya si Archer sa loob ng van.
"Is this your house?" aniya ni Archer at akmang bababa ito sa van.
"Nako, huwag ka nang bumaba Archer, marumi rito."
"Can I go inside? Please Nanny?" pangungulit ni Archer.Binuhat niya si Archer at nakuhang ipakilala kay nanay Luz.
"Nanay Luz, Phoebe and Babe, si Archer. Alaga ko po sa bago kong trabaho."
"Aba'y napaka gwapo naman! Aba'y parang si Phoebe," saad ni Nanay Luz.
"Thank you! What happened to you lola?"
"Na aksidente kami hijo, baka gusto mong kumain?"
"No thanks, I'm full," sagot ni Arhcer.
Archer."Hello I'm Pheobe!"
"Hello, kapag gumaling ka, do you want to play basketball?" pag-aaya nito.
"Sure! Marunong ako no'n!"
Hinayaan ni Precious na mag-usap muna ang dalawa bago siya tuluyang lumabas ng bahay.
"Manong, asan po si Sir Austine?" tanong ni Precious."
"Ah, masyado pong busy sa trabaho at sa kasal niya."
"Kasal? Ikakasal si Sir?"
"Oo, 'yung may-ari ng pabrika. Huwag na lang po kayong maingay, dahil hindi niya po alam na pumunta si Archer dito. Ayaw na niya po kasing palabasin ang bata nang hindi siya kasama."
"Really? Tara na po at pumunta ng park. Nakuhang magpaalam ni Precious sa kanyang anak na si Phoebe, gusto niya man isama ang anak. Pero hindi pa rin ito puwedeng maglakad at magpagod.
"Precious, next time sana isama niyo po ang anak mo."
"Kapag gumaling siya Archer, kaya ikaw huwag kang lalabas ng walang kasamang matanda okay? Si Phoebe, kasama na si nanay Luz, binggo pa rin."
"Ah talaga po? Sana po sinabi niyo kay Daddy, tutulungan po niya kayo.
"Napatingin si manong Bernard sa dalawa at napangiti.
"Para kayong mag-ina! May pagkakahawig ang hugis ng mukha niyo at aura," giit ni manong Bernard.
"Because my Nanny is pretty and I'm handsome!" saad ni Archer.
"Buhat bangko, mana ka nga sa Tatay mong ulopong."
Hindi masukat ang saya ni Archer dahil ngayon lamang siya nakapag laro ng basketball at kalaro niya si Precious. Ang babaeng maarte ay biglang naging street smart.
"Let me catch the ball!" sigaw ni Precious at tuwang-tuwa na tumakbo si Archer para magpahabol kay Precious.
"I'm the winner!" sigaw ni Archer.
"Hay, iinom lang ako ng tubig ha? Saglit lang Archer, huwag lalayo."
Tumango ang bata at muling nag-drible ng bola. Tinungo ni Precious ang lugar kung na saan ang pagkain at inumin na baon ni Archer. Nakuha lamang niyang malingat sa bata, narinig na niya ang malakas na pagtili nito. Napatakbo siya at nakitang nakadapa ito sa semento ng court. Pinalilibutan ito ng tatlong batang lalaki.
"Hoy! Asan ang bola ni Archer! Ibigay mo 'yan o pipingutin kita!" suway ni Precious at inagaw ang bola sa batang lalaki
"Blee! Batang ligaw! Walang Mama!" sigaw ng isa pang bata.
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
RomanceAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...