Careless 11

978 78 19
                                    

Careless 11

FLASHBACK

Palakad-lakad ang dalawa, habang si Precious na nakatingin sa mga kabataan na nag-skateboard.

"Ang galing nila!" biglang bulalas ng dalaga at tinapik ang braso ni Austine.

"Easy lang 'yan!" mayabang na sinagot ni Austine habang kumakain ng balot.

"Nalingat lang ako saglit, kumakain ka na ng balot? Baka mahighblood ka," sambit ni Precious.

"Hindi, lowblood nga ako e, halika turuan kita," bigla niyang hinawakan ang kamay ng dalaga.

"YUCK ang lansa mo! Nakakadiri ka talaga!" nanirik pa ang mga mata ni Precious dahil sa sobrang kaartihan.

Napangiti si Austine at gustong-gusto niyang naiinis ang dalaga sa kanya.

"Hintayin mo na lang ako rito, ito maghugas ka ng kamay," sambit ng binata.

Ilang segundo lamang na naghintay si Precious at nakita si Austine na naka skateboard habang papalapit sa kanya.

"Wow, you are so cool!"

"Here, I'll teach you."

Napatikom ang bibig ang dalaga nang hawakan ni Austine ang magkabila niyang balakang.

"Austine baka malaglag ako!"

"Sasaluhin naman kita."

Napangiti sa kawalan ang dalaga at humigpit ang hawak niya sa balikat ni Austine.

"Sakyan mo na kaya ako!" singhal ni Precious dahil natatakot bumalanse ang dalaga.

"Mabigat ako kapag sumakay ako sa'yo," sagot naman ng binata.

"Bakit ba ganito sumagot si Austine? O bastos lang talaga ang utak ko?" bulong ni Precious sa sarili niya.

Ilang sadali at binitiwan niya si Precious na nakasakay sa skateboard.

"Come! Put your one foot on the ground, then run!" sigaw ni Austine.

Sumunod naman ang dalaga at pinadyak ang paa. Sa hindi kalayuan na puwesto ng binata, nakita niyang tumaob si Precious.

"Austine," patuloy ang pag-iyak nito habang nakadapa sa semento.

"Damn, I'm sorry!"

"Hindi mo ako sinalo!" pagngawa nito.

"Come here,"aniya ng binata at hinawakan ang kamay niya.

Sa paghawak niya sa kamay ni Precious, napangiwi ito at inilayo ang kamay sa binata.

"Masakit."

"Fuck, napilay ka yata!" pagpapanic ni Austine at bigla siyang binuhat.

Para bang bagong kasal ang pagbubuhat nito sa kanya at dahan-dahan siyang inilapag sa loob ng sasakyan.

Pinagmamasdan lang ni Precious ang ginagawa ng binata sa kanya. Mabuti at kumpleto sa gamit si Austine, mula sa car drawer kinuha niya ang first aid kit upang gamutin ang galos ng dalaga.

"I'm so sorry, second time na kitang hinayaan na masugatan. Dapat iniingatan kita, nagpabaya na naman ako," malungkot na sinabi ni Austine.

Para bang tumalbog ang puso ni Precious sa sinabi ni Austine. Kitang-kita niya kung gaano siya ingatan nito.

"O-ouch Austine masakit," reklamo niya dahil hinilot ng binata ang right hand niya.

"I'm really sorry, importante ang kamay mo sa'yo. Dapat hindi kita binitiwan, nakakainis!" Pagdadabog nito.

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon