Whisper 60

910 79 19
                                    

Whisper 60

Lumipas ang ilang buwan...

Walang Precious na nagpakita sa kanya. Tila na lugmok si Austine at bumalik sa bisyo. Kasama palagi ni Phoebe at Archer ang kanilang Lolo Smith sa mansyon. Nagpaiwan siya sa Tagaytay dahil gusto niyang mapag-isa. Puno ng pintura ang kamay niya hanggang braso, mausok at nagpapakalunod si Austine sa alak na kanyang nilalagok. Hindi na mabilang ang ipininta niyang mukha ni Precious, he may look crazy pero nagmahal lang naman siya. Yumuko si Austine at sinabunutan ang sarili.

"Where are you? I fucking hired a detective o kahit ano pang poncho pilato para lang mahanap ka. Nasaan bansa ka ba? Bakit hindi kita mahanap?! Saan ka ba nagpunta? Hinihintay kita, bakit hindi mo ako sinipot? Bakit wala kang pasabi? Alam mo bang ilang taon akong galit sa'yo dahil sa maling akala? Alam mo bang gustong-gusto kong bumawi sa'yo. Sa lahat ng paghihirap mo? Gustong-gusto kita makita Precious, please comeback. Ayokong makita ako ng mga anak natin na nagkakaganito, hindi ko alam kung paano ako magsisimula. You are the compass of my life, you guide me in every direction. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta? Nagsisisi ako na napaka gago  no'n, bakit iniwan kita. Bakit ang putang inang gago ko? Please," napaluhod si Austine sa harapan ng painting ng kanilang family picture.

"This family picture I painted, I want this for real not just in my imagination. Please comeback."

EUROPE

Maga ang mga mata habang nakatingin si Precious sa salamin, pilit niyang inuukit sa mga labi ang pagngiti. Tinatanggap niya sa sarili na wala na sa kanyang sinapupunan ang kambal. Hindi naka-survive ang anak nila ni Austine dahil sa radiation at mahina niyang pangangatawan.

"I'm sorry, I'm sorry Austine," pumikit siya at muling humagulgol. Walang oras na hindi siya naluluha sa ilang buwan na pagkakawalay niya sa nobyo at dalawang anak.

Hinawakan ni Precious ang kanyang buhok at mas lalo siyang umiyak dahil unti-unti na itong nalalagas.

"If I die, I'm always here by your side. Hindi kita iiwan kahit wala na ako sa lupa. Sana patawarin mo ako dahil sa hindi ko pagsabi na may sakit ako. Ayokong makita mo ako na nagkakaganito, ayokong maging pabigat sa'yo. Hindi nga yata tayo para sa isa't isa. Ilang beses na tayong pinagtagpo pero pilit tayong pinaghihiwalay ng tadhana. Kahit anong pilit ko na ipinta at pagdugtungin na parang tela ang landas natin, wala pa rin."

Naiwan sa Europe si Precious, mula sa Nurse, Caregiver at espesyalistang Doktor ay binayaran ni Smith. Every month siyang dinadalaw nito, tumatakas  at hindi niya pinapaalam kay Austine ang nangyayari. Nakikibalita pa rin si Precious sa nobyo na naiwan sa Pilipinas. Laking pasasalamat niya dahil hindi siya pinababayaan ni Smith. He became a father figure to Precious, mas nagmukha pa siyang Ama para kay Precious kesa kay Austine.

"Good morning beautiful!" bati ni Akio.

"Akio!" hiyaw ni Precious at ngumiti. Ibinaba ni Akio ang maleta at rosas pagkatapos ay hinagkan niya ang babae.

"Sabi ko naman, kahit huwag mo na muna akong dalawin. Alagang-alaga naman ako sa mga hinire ni Mr. Smith."

"No, of course gusto kong nandito ako. I'm your closest friend, hindi kita iiwan. Napaka ganda mo pa rin," giit ni Akio at humalik sa noo nya.

"Naah, I'm ugly. Nakakalbo na nga ako e!" pilit na tumawa si Precious at pinakita ang hibla ng kanyang buhok kay Akio.

"You are beautiful, inside and outside. Kailan mo balak sabihin kay Austine? Siguradong nababaliw na 'yon," giit ni Akio.

"Wala akong balak sabihin sa kanya, mas lalo siyang mababaliw kapag nalaman niyang may dinaramdam ako."

"Pero patuloy siyang aasa. Kung ako ang nasa lugar ni Austine, baka nag-suicide na ako."

Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon