Careless 18
FLASHBACK
Payapang natutulog si Precious sa couch ni Austine, habang ang binata na inayos ang paligid. Balak niyang palakihin ang bahay na ito pag naka luwag siya. Mula sa ipon niya'y inipit ng kanyang ama, kung kaya't mahigpit pa sa sinturon ang pagiingat niya sa pag gastos.
Nilingon niya ang mga librong nagkalat at napansin ang music book. Dinampot niya ito at nakita na may isang pahina na bakante, kinuha niya ang kanyang lapis at iginuhit ang tulog, o payapang mukha ni Precious.
"Tama lang na magkasama tayo, I'm willing to take care of your heart Precious. I'll fight for our love, kahit saan pa ako itapon ng tatay ko," bulong niya habang pasulyap-sulyap ito sa dalaga.
Ilang sandali at napansin niyang may luha na pumatak habang natutulog ang dalaga, binitiwan niya ang libro at nilapitan ang nobya.
"I love you, don't cry."
Nalingat si Precious at bigla siyang hinagkan.
"Paano na ako? Si Lola lang ang sandalan ko? Mula't sapul na siya ang kasama ko, siguradong aalipustahin nila ako sa bahay," pangangamba niya.
"Hindi ba't matapang ka? Matutuwa ba ang Lola mo, kung makikita ka niyang ganyan na umiiyak na lang at hindi pinaglalaban ang karapatan? Cheer up my pretty woman," aniya nito at hinalikan ang noo niya.
"Natatakot ako, baka hindi nila ako papasukin sa lamay ni Lola," aniya. Muli siyang yumuko pero tinaas ni Austine ang mukha niya.
"Huwag mong problemahin 'yan, sasamahan kita. I don't give a shit about your so called 'family'."
"Makikita ka nila, baka gusto mong lalo tayong magulo."
"They don't know me, ni wala nga akong litrato sa internet na labas ang mukha. Kilala lang nila ako bilang Dos dahil painter ako. Tanging mga kaibigan ko lang at malalapit na tao ang tumatawag sa akin na Austine," paglalahad niya at humalik sa kanyang labi.
"Matulog ka na, ako na ang bahala. Sasamahan kita, I will hold your hand at sabay natin silang haharapin okay?" dagdag pa ni Austine.
Tumango si Precious at humiga upang matulog ulit. Ilang beses niya pa itong narinig na siminghot bago tuluyang matulog ng payapa.
Lumipas ang tatlong oras, nakatutok lamang si Austine sa kanyang proyekto. Panay kayod ang binata dahil ito ang kanyang dadalhin na artwork sa Los Angeles. Nagbabaka sakali siyang mapapansin sa ibang bansa ang kanyang talento, hindi lang dito sa Pilipinas. Tumayo ang binata nang makita niya ang notification na lumitaw sa kanyang laptop. Sa kanyang pagbukas, namilog ang kanyang mga mata at nilingon si Precious na payapang natutulog.
"I-I made it!" bulong niya sa sarili at hindi makapaniwala.
Pinadalhan siya ng invitation mula sa ibang art school na hiring as Professor in Arts, bukod pa ito sa patimpalak na kanyang sinalihan.
"Nararamdaman kong, may maipagmamalaki na ako!" aniya niya at nilapitan si Precious.
"I'll reach my dreams with you, my Precious."
******
Dumating ang araw ng lamay ni Donya Fanny at sumabay ito sa performance ni Precious. Walang magawa ang kapamilya niya dahil siya ang piyanista sa charity event. Ni hindi manlang naabutan ni Donya Fanny ang event na kanyang inayos. Pangalawang araw nakapunta si Precious kasama si Austine dahil ang unang araw ay sarado ang chapel at halatang sinasala lamang ng kanyang mga tiyuhin at tiyahin ang mga pumupunta sa lamay ng kanyang lola.
Nakatingin ang mga mapanghusgang mata kay Precious habang siya'y naglalakad papalapit sa kabaong ng kanyang lola. Alam niyang kinalat na siyang suwail at malanding apo. Lalong siya ang ikinalat na may kasalanan sa lahat ng pangyayari. Masama ang tingin ng mga taong tinulungan ni Donya Fanny, lalo ang grupo ng mga scholar nito. Umupo siya sa harapan ng piano at nilingon ang mga taong nakatangin sa kanya. Sa tagal na niyang nagpeperform sa harap ng maraming tao, ngayon lamang siya kinabahan ng husto.
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
RomanceAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...