Careless 10
Nasa mamihan silang apat. Habang ang dalawang guard ay nasa kabilang puwesto at malayo-layo rin ito sa kanilang dalawa.
"Natahimik ka? Sinabi na at hindi ka okay," he assumed at binalatan niya ng balot ang dalaga.
"Kasal ka na pala siya kaya siguro ayaw niyang matali kay Vanessa. Siguro 'yun iyong babae na nakita sa Tagaytay! 'Yung babaeng importante raw sa kanya?" bulong ni Precious sa kanyang sarili.
"Hindi ako kasal," biglang sambit ni Austine.
"Ha? Anong sinasabi mo?" nagulat si Precious dahil parang na basa ni Austine ang nasa isip niya.
"Hindi ako kasal, mukhang 'yon ang iniisip mo eh. Crush mo ako diba?" diretsong sinabi ni Asutine.
"Wow! Lakas ng self-confidence! Hindi ha!" pagtanggi ni Precious.
"Ah hindi ba? Talaga ba? Okay, sabi mo eh," kibit balikat na sagot ni Austine.
"Pero si Martina girlfriend mo ba? You fucked up each other diba?" pagtatanong ng dalaga.
Natawa si Austine at hinigop ang sabaw.
"What a question Precious? Wala kaming relasyon, lahat 'yon palipas init lang. Nothing to worry," paglalahad niya.
Pakiramdam ni Austine na kailangan pa niyang i-explain kay Precious ng mas malawak dahil mukhang hindi satisfied ang dalaga sa sagot niya.
"I'm not interested, I don't like her, she's not my type, Ano pa ba ang gusto mong sagot? It feels like, I badly need to expound the reason why I don't like Martina?" aniya ng binata at natuwa naman si Precious nang marinig na naman niya ang english accent nito.
"Ang gwapo mo," wala sa katinuan na sinabi ni Precious.
"R-really? T-thanks," nahihiya at para bang umtras ang dila ni Austine sa sinabi ni Precious.
"Teka? Bakit ko sinabi 'yon? Kanina pa ako nawawala sa sarili!" she whispered.
Napainom si Precious ng tubig at halos matapon na ito sa kanyang dibdib. Napatingin si Austine sa kanya dahil sa maliwanag na damit nito'y bumakat ang cleavage ng dalaga, lalo na't ito'y nabasa.
"Here," aniya ng binata at inabutan siya ng panyo.
"S-salamat."
"Ma'am oras na po at hanggang alas singco lang ang oras niyo na nasa labas ng bahay," aniya ng guard niya.
Nagkatinginan ang dalawa at tumango si Austine.
"Sige na at pwede ka nang umuwi, see you next class Precious. Mag-aral kang maigi," pagdadrama ni Austine at sinipa niya ang paa ni Precious mula sa ilalim ng lamesa.
"Ah-eh opo! Salamat po sa libre Sir!"
Napalakas ang tapik ni Precious sa braso ni Austine kaya nagkatinginan silang apat.
"Ah wait! Sir, ito po pala," paghabol ni Precious at inabot ang isang puting envelope.
"What's this?"
"Ah, invitation po Sir."
"Okay?"
"Sana po pumunta kayo dahil, ako po ang piyanista sa Church, ah kasi po may charity si Lola handog din sa poon," aniya ni Precious.
"Sure! Magsisimba ako at papanuorin kita! Sige na at baka gabihin pa kayo! Ingat.
Halos malusaw na si Precious sa gwapong ngiti ni Austine sa kanya.
"Sasabog na ako, kaunti na lang Austine Lavigne! Ang professional mong magsinungaling!"
Kinagabihan, hindi mapakali si Precious at nakatingin pa rin sa kanyang cellphone, tanging hinihintay lang niya ang pagtawag ni Austine.
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
RomanceAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...