Whisper 45
"Papasok na ako sa trabaho, ayokong ma late," wika ni Precious.
"Pupunta nga tayo sa bahay!"
"Papasok nga ako! Bakit ba ang kulit mo Austine Lavigne!?"
Halos hindi makapaniwala si Austine dahil sinigawan siya ni Precious. Nagtagis ang panga niya at humarap may Precious habang nakatigil sila da kalsada.
"Sinisigawan mo ako?"
"Oo! Papasok na nga kasi ako bakit ang kulit mo! Kunwari ka pang concern ka sa puso ko pero kinusunsumi mo ako! Papasok nga ako at walang makakapigil sa akin!"
Natahimik si Austine dahil pakiramdam niya'y sasabog silang dalawa sa loob ng sasakyan.
"Oh my gosh Precious! Nagawa kong pasunorin si Austine? Is this for real!?" she whispered.
Ilang araw na ang nakalipas at nakapagsimula na sa trabaho si Precious. Hindi nakuhang mahirapan ng kanyang Team leader sa pagturo dahil may-alam na siya sa ganitong trabaho.
"Precious, may naghahanap sa'yo," giit ng kanyang kasamahan.
"Sino raw po?"
"Eh, lalaking gwapo. Tingnan mo na lang, boyfriend mo siguro!" masaya nitong sinabi.
"Nako, wala po ako no'n. Sige po pakisuyo ko na lang ang ginagawa ko."
Nakuha niyang lumabas ng pabrika at pinuntahan ang employees entrance. Agad niyang nakita ang lalaking naka kulay puti at bigla itong humarap.
"Akio! Doctor chinito!" bulalas niya at hinagkan ito.
"I miss you! Hindi ka pa ba uuwi?" aniya ni Akio.
"Hay tingnan mo at miss mo na ako! Isang oras na lang at uuwi na ako. Namimiss ka na ni Phoebe."
"Yeah, I miss her so much! Kumusta na siya? Kaya na ba niyang maglakad?"
"Eh, nakasemento pa ang paa niya."
Tunay na magkasundo si Akio at Precious, hindi rin nahihiya si Precious na kurutin ang braso nito sa tuwing nagkikita sila.
"Where's Ms. Vega?" wika ni Austine at pumunta sa loob ng pabrika.
"Ah sir, may bisita po siya sa labas."
"Boy or girl?" tanong ni Austine.
"Boy po, boyfriend niya po yata?" giit ng Team Leader na humahawak kay Precious.
Biglang tumalikod si Austine at nais niyang puntahan si Precious, halatang galit sita at pulang-pula ang teynga nito.
"Where have you been?" nakasalubong niya si Precious na abot langit ang ngiti. Mukhang walang pakialam si Precious sa kanyang tanong.
"Ano 'yang hawak mo?" dagdag ni Austine at hinablot ang puting envelope.
"Ano bang problema mo? Sa'kin 'yan!" pilit niyang inabot pero ayaw ibigay ni Austine.
"Who gave this invitation to you? Bakit ka pupunta rito?
"Ah 'yung kaibigan kong Doctor, inimbitahan niya ako. Doctor ng anak ko 'yon," paglalahad niya at alam niyang galit si Austine.
"You will not go."
"What? Sasama ko. Wala naman sa kontrata na pati desisyon ko ay kontrolado mo. Wala na ba akong karapatan mag desisyon sa buhay ko? Ang sabi mo lang bibigyan kita ng isa pang anak diba? Hindi pa ba sapat 'yon?"
"Fine! E'di sumama ka sa lalaki mo!" bulalas ni Austine at tinalikuran siya nito. Pinulot ni Preicous ang invitation na binato ni Austine.
"I really don't understand this guy, hot and cold. Yes and No, up and down, left and right. Nakakalito ka Austine!" Muli siyang bumalik sa trabaho at inabot sa kanya ang isang wedding gown design.
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
RomanceAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...