Careless 22
FLASHBACK
Hawak ni Precious ang isang bilao ng panindang okoy habang papa-akyat siya sa second floor ng eskwelahan.
"Okoy ni Nanay Luz!" Aniya niya at walang kahihiyan ang dalaga na maglako.
"Aba at na-miss namin iyan!"
Isa-isang lumapit ang mga guro sa kanya at dinumog din ito ng mga magulang na nakapila para sa enrollment.
"Grabe at sikat pala si Nanay Luz dito. Nakakatuwa at kumikita na ako, nakakatulong pa ako. Sana lola, masabi ko sa inyo ito. Paunti-unti na po akong nagco-cope up sa tunay na buhay. Ang buhay na hindi ka na senyorita, wala ng mga yaya na nakapaligid sa'yo. Mula ulo hanggang paa, mula sa paggising sa umaga, tanging pagbabanat na ng buto ang aatupagin ko. Wala rin palang patutunguhan kung ipaglalaban ko ang karapatan sa mansyon, dahil sampid lang ako. All my life, pilit kong pinapatunayan sa mga kamag-anak ko, na dapat ako lang ang nakakataas at pinagmamalaki. Pero ngayon, wala naman pala akong dapat patunayan sa kanila. Napagtanto kong kailangan mong makipag kompitensya sa sarili at hindi sa ibang tao. Competing with others will not help you grow, but competing with yourself will make an improvement as personal development. Hay, tama na ang pag-monologue at wala naman ako nasa pageant!" bulong niya.
Nalimas ang okoy ni Nanay Luz. Ang pitaka niyang payat pa sa palito ay ngayon na mabigat dahil sa barya at papel na nagpataba rito.
"Salamat po sa mga bumili!" Pagkaway niya.
"Nako hija! Sasusunod at sa construction site ka magbenta! Bibili ang mga katrabaho ko roon! Masarap ang okoy ni nanay Luz, pagtapos maganda ka pa! Bentang-benta iyan! Sa kabilang kanto lang naman ito!" aniya ng lalaki at napatango na lang si Precious.
Pababa ng hagdanan si Precious at nakita niya ang cellphone na umilaw. Para bang gusto niyang ibato ang hawak pero mas pinili na lang niyang maupo sa hagdanan.
Sinend ni Vanessa ang Wedding invitation nila ni Austine.
"Seryoso ka na talaga? Iisipin ko na lang na puppy love lang ang lahat. Na-fall sa maling tao. Sana at maging masaya ka Austine. Akala ko pangarap muna, pero ito at magpapakasal ka rin pala. Kinain mo lang ang mga salitang sinabi mo."
Tumayo ang dalaga at muli siyang napakapit sa pader. Umikot ang kanyang paningin at nagdilim ang paligid. Pinilit niyang itinapak ang isang paa upang makakaba pa. Tila nanlambot ang tuhod ng dalaga at tuluyang nalaglag.
"Miss!"
******
Handa na ang lahat, hawak na ni Austine ang puting coat habang nakatapat siya sa salamin. Tiningnan niya ang bagong plane ticket na kanyang binili na sabay sa kasal nila ni Vanessa. Sinulyapan niya ang litrato nila ni Precious bago ito alisin bilang wallpaper niya.
"Advance happy birthday my Precious."
Hinatak niya ang dalawang maleta at lumabas ng hotel room. Pakiusap niyang sa hotel siya tutuloy bago ang kasal, heto at sa airport ang kanyang diretso.
"I will not marry anyone else, I may be a fuck boy but still a hopeless romantic chasing genuine love."
Dahil malapit lang sa aiport ang kanyang tinuluyan, narating niya ang ang terminal at sumakto lang siya sa oras. Ngumiti siya habang tinignan ang plane ticket papunta ng America.
"I'll chase my dreams first. Stay focused Austine!" Pabuga niyang binulong at tinahak na ang papasok sa eroplano.
Pabalik-balik sa paglalakad si Valdo habang hinihintay si Austine. Trenta minutos na ang nakalipas ngunit wala pang sumisipot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Lavigne #2: CARELESS WHISPER (Austine Lavigne)
RomanceAt the age of sixteen, Precious experienced a bittersweet life. Sweet life because of fame as a pianist, money and her beauty. She falls in love with her part time music Professor, who is also a Painter. Austine Lavigne doesn't care if he is seven...